Sana mapost to soon. So hi. Sorry kung pangit ang pagkakakwento ko mamaya coz I'm not a writer. Boring din to for sure. I just wanna share some experiences I had because of my so called ""family"". Here it goes.
Hindi ako close sa family ko. Actually, nakakausap ko lang sila kapag kakain or manghihingi ako ng pera. Si Papa and Mama, ang weirdest parents para sa akin. Halos araw-araw nagsisimba sila. Sobrang 'religious' nila. I don't know why but sila lang naman ang palasimba sa aming pamilya. Mama almost had her whole life being told to us, her children. While si Papa, at least one kamag-anak wala akong kilala. Maski nga pangalan eh. Sa sinabi niyang sampu silang magkakapatid, kahit isang tito or tita ko wala siyang nabanggit na name. My mother won't tell us either.
Anim kaming magkakapatid. Kung tutuusin ordinary lang ang pamilya namin. Kung ordinary ngang maituturing ang pagkakaroon ng limang kapatid na iba-iba ang topak.
Ang panganay si Axe, ay isang mangkukulam. She studied witchcraft on a place we never heard about. Kaming magkakapatid lang ang may alam. Lalo na ang iba't-ibang simbolo na nakapinta sa sahig ng kwarto niya, sa ilalim ng kama. We know we should stop her but we couldn't. I don't even want to. I don't care about them anymore.
Yung pangalawa kong kapatid, si Jar, madalas makarinig ng mga boses. Minsan na magkakasama kaming nanonood, bigla na lang siyang sumigaw ng ""Kung gusto mong umalis, umalis ka. Wag mo kong idamay sayo. Ang kulit mo Max!"" No one was talking back then kaya naman sobrang nagulat kami nang nagalit siya. Ako pa talagang dinamay niya.
Yung pangatlo ang 'gifted' sa amin. Si Jell. She can see elements kung gugustuhin niya. She can talk to them, play with them, and even command them whenever she wants.
Yung pang-apat, si Win, maraming religion. Lahat pinaniniwalaan. Lahat sinasamba. Siya ang kabaligtaran ko, I don't have any religion. Yes I believe in God. Yes I have faith sa Diyos, but not on any religion. Lahat ng relihiyon may sikreto, lahat sila may kasinungalingan, lahat sila nanggagamit lang ng taong tatanga-tangang naniniwala sa mga kasinungalingan nila. Sinasamba ko Siya, pero hindi ang anumang relihiyon.
Ang bunso namin, na nag-iisang lalaki, si Ken. At least once a week, magkukwento siya ng napanaginipan niya. Siya din ang nakapanaginip ng mga nakapintang demonic symbols sa kwarto ni Axe kaya nalaman namin ito. Madalas napapanaginipan niya ang mga nakaraan. Lalo na kung dadalhin siya sa isang lugar at nakatulog. He can dream of the most terrible thing that happened in that place. Magigising siya ng may sugat, may dugo o kaya nama'y sobrang umiiyak. Minsan nga isang linggo siyang iiyak dahil sa napanaginipan niya. Nakakaawa but what can I do?
Tanong ko po sa readers, paano ba papatigilin si Axe sa pangkukulam niya? Nahuli ko siya minsan na kinokontrata ng isang babae tapos may binigay na picture sa kanya. Picture ng kapitbahay namin, na siya namang nagkasakit na lang bigla sa di malamang dahilan. Namatay yun last month.
Paano din po ba mawawala yung kay Jar? Naapektuhan na daw kasi yung trabaho niya. Her new workmates thought she's crazy.
Paano din ba matanggal yung kay Jell? Kasi po kumalat noon sa school niya dati na may nakahuli sa kanyang nakikipag-usap sa kung ano man yon na hindi nakikita ng ibang tao.
Ano din ba ang dapat kong gawin kay Win?
Lastly, I wanna help my brother. Naaawa ako sa kanya. He's just seven pero inaabuso ng ibang tao yung nagagawa niya. Hindi naman pwede yon. Dapat ineenjoy niya ang kabataan niya eh.
Gusto ko lang naman ng pamilya. Yung maipagmamalaki ko. Yung masasabi kong ""ordinaryo"". Yung matatawag na ""normal"". Nakakasawa na kasing palipat-lipat ng bahay. Walang kasiguraduhan kung ligtas ba kami sa bagong kugar na pupuntahan namin. Nakakasawa na. Kung merong di maniniwala sakin, I understand. Ako nga hindi ko mapaniwalaang napasama sa ganitong klaseng angkan, kayo pa kaya?
Salamat.
Max
