This story was way back year 2007 in Manila. My friends and I were going to my friend's birthday. So, kailangan namin sumakay ng jeep twice. Then pagsakay namin ng jeep hindi kami magkakatabi ng mga kaibigan ko. Yung iba nasa tabi ng driver, yung iba nasa malapit sa istribo yung malapit sa babaan then ako naman ay nasa bandang gitna.Ayun kuwentuhan kahit magkakalayo ng puwesto, maingay pa din, normal na sa magbabarkada yung ganun. Tapos there was a passenger that caught my attention. She was in the mid 60's I think, yet what makes her different was her color. Kulay pula yung buo nyang katawan na pareho sa damit nya. Napatitig ako sa kanya kasi nga dahil ang weird ng dating nya. Then she smiled at me, yung creepy na wide smile. Ang nakakapagtaka lang yung byahe namin sa jeep parang ang tagal, hindi naman traffic. Parang feeling ko isang oras kami nasa jeep habang nakatingin ako sa matandang babae, pero naririnig ko yung usapan ng mga barkada ko. Nahimasmasan lang ako nang bigla akong tinawag ng barkada ko kasi bababa na daw kami. Nakita ko yung matandang babae na nakatingin pa din sakin habang papalayo yung jeep na sinakyan namin.
Nung naglalakad na kami para mag abang ng pangalawang jeep nagkwento yung isang tropa ko na malapit sa istribo. Katapat nya kasi yung matanda. Sabi nya ang weird daw ng matanda kasi kulay red daw yung buong katawan pati yung damit. Nakatitig din daw sa kanya at nakangiti pareho ng nangyari sakin, pakiramdam nya ang tagal daw namin sa jeep. Pagdating nung pangalawang jeep sumakay na agad kami kasi punuan at mahirap makasakay. Nang pag upo ko napa sh*t na lang ako.
Yung matandang nakasabay namin sa unang jeep nandun ulit sa sinakyan namin. Iba yung daanan ng unang jeep na sinakyan namin kaya imposible na makasakay agad sya sa pangalawang jeep. Bumababa talaga agad ako at mabilis naglakad palayo at nagtaka yung mga kaibigan ko pati sila bumababa din. Ikunuwento ko sa kanila yung unang nangyari pati na din yung isa ko pang kaibigan. Dumaan muna kami ng simbahan bago tumuloy sa bahay ng kaibigan ko.
After nun hindi ko na ulit nakita yung matandang babae. Buti na lang din nakarating kami ng safe sa bahay ng barkada ko. Kung mapost man ito isshare ko pang yung iba kong experience. God bless and happy reading.
paps dar
