Hi. I will go by the name ""Mystic"". Hindi ito kwento, rather, a question. Tinatago ko to sa lahat, medyo matagal ko na tong gustong isend simula nung nakita ko yung page. Medyo mahaba po, so please!Simula kasi nung bata ako, lagi akong sinasabihan na wag masyadong maglaro sa mga puno, halaman, bundok, or anything that involves nature. Lalo pag magdidilim na. Palipat lipat kami ng bahay. Pero nung bata ako, pasaway ako kaya isang beses, dun sa bahay namin sa parañaque, 5 years old ako, nag uwi ako ng tangkay ng puno na napulot ko nung nakipaglaro ako sa mga kalaro ko. Nung madaling araw na pagtapos ng araw na yon, nakita ko si mama at mga pinsan kong nag uusap, nagtatawanan. Nakita ko rin yung sarili kong tumayo sa higaan at naglakad palabas ng pinto. Pinigilan ako nila mama. Paggising ko akala ko panaginip yun pero totoo pala, kaya sabi nya ibalik ko raw yung tangkay kung saan ko nakuha at ginawa ko naman. Pero hindi pa dyan natapos yung mga nangyayari sakin kasi nakikita ko rin noon yung sarili ko, tuwing gabi nakaupo sa sahig, naglalaro sa sala namin. Minsan pinapanood ko lang yung sarili ko matulog. Habang lumalaki naman ako hindi na ganun kadalas.
Nasa ibang bayan na kami ngayon. Pero minsan, pinapanood ko pa rin yung sarili ko matulog. Minsan naman eh nalabas ako ng bahay at naglalakad lakad. Hindi rin ako nananaginip ng ibang bagay, at kung managinip man ako kung hindi lucid dream, magkakatotoo yun. Marami na akong nakitang scene sa panaginip ko bago pa ito mangyari sa totoong buhay. Yung kapit bahay naming magkapatid, nakatira sa isang bahay. Sa panaginip ko nakita ko yung isa sa kanila gumagawa ng bagong pinto, after a week, lumipat ng bahay yung kapatid, katapat ng bahay nung kapatid nya. Nakita ko rin yung kaklase ko sa panaginip ko. Iba ang style ng buhok at tumatakbo palayo, pagpasok ko kinabukasan? Nagdrop siya ng lahat ng subject nya dahil magsstop raw muna siya. Bagong gupit rin sya kaparehas nung gupit sa panaginip ko. In real life naman, swerte ako sa mga guessing game.
Yung tita ko bukas ang 3rd eye nya at nakakakita siya ng multo. Sinabi nya na noon na may matandang bruha na nangbabangungot sa bahay namin, lahat ng natutulog sa kwarto ko binabangungot. Ako? Hindi pa. Hindi man ako nakakakita ng multo ay nararamdaman ko ang aura nila at nalalaman ko kung nasaan sila. Natuklasan ko lang to nung ilang beses nang pinabless at ininsenso ang bahay namin pero andito pa rin yung bruha. Nung unang ginawa yun dito, nasa likod lang ako. Pero si mama ilang beses na raw nyang napanaginipan, may sakit rin ang kapatid ko noon, baby pa sya at ayaw niya sa amin. Sabi nung albularyo, yung bruha daw ang nakikita ni baby sa amin. Nag insenso kami uli, andoon ako sa unahan. Pag akyat namin ng 3rd floor, tumuro ako sa likod ng pintuan, kwarto ng parents ko. Ang dilim ng aura, walang ilaw noon sa buong bahay kaya tama lang na madilim pero yung parteng yun? Sa mata ko sobrang dilim non. Kung napanood nyo yung insidious, yung part na tumingin sya sa taas at may nakitang madilim? Parang ganun. Nanghina ako nun at naluluha yung mga mata ko sa sobrang kilabot ng pakiramdam. Pero pagkatapos nun, wala ng binangungot dito sa bahay. Nakapagbasa at nakasubok na rin ako ng wicca. Spells, magic and witchcraft. Nilagyan ko ng protective white aura yung bahay namin. Naglagay rin ako ng energy fountains sa certain parts ng bahay. Ang purpose ng fountain ay gawing relaxing o refreshing yung space at gumagana nga. Tuwing wala ako sa usual spot na yun, nakikita kong nakahiga at nakakatulog sila don.
At dahil nga witch craft, hindi maiiwasan ang evil. May mga nakilala kami na taga visayas. Meron siyang bala sa braso, ipinasok raw ng lola nya sa kanya. Kaibigan siya ng mama ko, pero isang beses, hindi sya napahiram ng pera ni mama. Nagkasakit si mama, pati yung kapatid ko. Kaya pinuntahan ko yung bahay ng kaibigan nya, sobrang dilim ng aura. Orange yung pintura sa loob, at puti ang ilaw, matingkad na kulay ang orange kaya dapat maliwanag, diba? Pero ang dilim ng bahay nila kaya naconfirm ko. Siya nga ang may gawa, kaya may ginawa rin ako :) Pero siya lang, hindi ko na dinamay yung anak nya. Kawawa yung bata eh, malnourished na. Yung asawa nya, nawalan ng trabaho. Siya, ilang weeks hindi lumabas ng bahay. Nawala na rin yung sakit nila mama. Narinig ko nalang, may pigsa na yun sa may legs at hindi makalakad. Una daw isa lang pero nung pumutok? Dumami na. Maliliit at malalaki. Sobrang sakit raw at halos di makalakad. Nung gumaling na sya umuwi siya ng probinsya nila. Hindi na bumalik sa lugar namin.
Isa rin yung bagong kapit bahay namin na bigla nalang may voodoo doll sa bintana, nakatapat sa bahay namin. Nakikita ko yung silhouette ng isang maliit na manika sa bintana parang stickman, pero may laman. Simula nun nagkakasakit na yung kapatid ko, isa isa sila dito sa bahay nagkakasakit kaya pumunta siIa mama sa albularyo, hindi kasi makuha ng gamot. At sinabi na nga, isang babaeng maliit at mataba. Yung kapit bahay nga namin, lagi ko ng hinihipan ng bad luck yung bahay nila. Hindi ko alam kung anong nangyari bukod sa mga anak nya na lumipat sa mas murang school, pero nawala na yung voodoo doll na nakikita ko sa taas nila tuwing bukas ang ilaw ng kwarto. Gumaling na rin sila dito sa bahay.
Akala ko noon gaganti sila, pero wala naman ako nararamdamang kakaiba. Lahat sila dito sa bahay nagkasakit na, ako? Wala. At kung may manakit man sa akin, hindi ko ginagamitan nun. Wag lang nila gagalawin yung pamilya ko o mga kaibigan ko, dahil kahit ako hindi ko sigurado kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Kinukuwento ni mama sa albularyo yung nangyayari. Yung albularyo naman na yun tuwing tinitignan nya ako, sinasabi nyang wala siyang nakikita sakin. Pero pag hindi ako nakatingin, minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Nangiti lang ako, napapalunok siya. Bakit?
Hindi rin ako makapaniwala sa mga pinaggagawa at nagagawa ko, but it's all true. I am a witch, and a clairvoyant. Ang tanong ko lang, bakit ganito ako? Ano ba talaga ako? May tinatago pa ba sakin ang mga magulang ko? Ano bang meron sa pamilya namin? May iba pa bang kagaya ko?
Mystic
