Gusto ko malaman kung meron dito na same sa akin na wiccan. It is somewhat spell caster. In my case lately ko lang sya natatanggap. Matagal ko na napapansin pero dedma lang ako.
Nagsimula akong macurious sa kung anong meron ako nung kausapin ako ng mga kasama kong ibang lahi. Nasa Saudi ako ngayon. Sabi nila pag nagagalit ako or napapakialaman nila akonagkakasakit sila at ako lang din ang gamot.
10yrs ago may lola akong madre (kapatid ng nanay ng father ko. Patay na sya ngayon) lagi nya sinasabi ""Wag ka basta magagalit. Iwasan mong magalit""
10yrs ago naoperahan yung lola ko (nanay ng father ko) ang sabi nya ""Iingatan mong magalit ng sobra. ."" then
6yrs ago yung may-ari ng bahay na inuupahan ko manggamot. Sabi nya ""May bantay ka. Iwasan mong magalit para di ka makapanakit..""
Last yung kawork ko na pinaniniwalaan ng mga katrabaho namin n may anting anting and magic ""Ingatan mong wag magalit ng husto kung ayaw mo makasakit ng di mo sadya"". Ako naman dedma lang.Lately first week this month yung mga kasama ko ang sabi ""Pag galit ka sa amin nagkakasakit kami"". Which is true or pag siguro inatake sila ng inggit nagkakasakit sila or bad luck happens and ako lang gamot. As in haplos ko lang walang 5mins wala na yung masakit.
Sabi nila may lagi daw akong kasamang anino na nasanay nalang daw sila. Nagbiro pa nga akong lahat tayo may anino. Pero sabi nila yung akin nauuna sa akin pag pababa ako ng hagdan. Ganun din sa mga taong nakapaligid sa akin noon napapahamak o nagkakasakit sla pag may nagawa sila sa akin. Kahit kapatid kong bunso takot na magalit ako. Even asawa ko, pag nag-aaway kami nagkakasakit sya.
Ok sana pero may kapalit kung ako naman ang nakagawa ng di maganda ako naman nagkakasakit. Kaya un mga nakakakilala sakin ang sabi e mabait daw ako at tahimik. Iniiwasan ko kase na magalit o makagawa ng mali sa kapwa and ganun kase ako pinalaki ng magulang ko.Yun nakakakilala sa akin wag nyo ko e tag.
Salamat sa pagbabasa. Kung meron same sa akin payuhan nyo naman ako anong pwede at di pwedeng gawin and how to control it.May iba pa kong kakaibang something next confession na po.."
nurse ninja
Riyadh KSA
