Kakaibang kakayahan

1.3K 16 2
                                        

Kakaibang kakayahan

Ang ikukwento ko ngayon ay tungkol sa mga experiences ni mama nung kabataan niya sa probinsya nila sa Mindanao part. Nakatira na kami ngayon sa South Luzon.

First na experience ni mama na natatandaan ko ay sa bahay nila mismo, yung lola ko kayang makapanggamot, dahil yun sa mga duwendeng naging kaibigan ni lola. Kaya daw pala gabi gabi ay parang may kausap palagi si lola pero wala naman silang naririnig na sumasagot. Magkatabi kwarto nila at buong structure ng bahay ay kahoy. Nung time na yun tinanong nila si lola kung sino kausap niya pero hindi niya ito sinasagot, umamin lang siya na nagkaroon siya ng kaibigang duwende nung wala na siyang koneksyon sa mga duwende, dahil nirenovate yung bahay nila. Ayaw daw kasi ipaalam ng mga duwende.

2nd, yung naglaro sila ng spirit of the glass ng mga barkada niya, minsan present din si lolo, papa ng mama ko. Supportive masyado. Madalas daw nila tong ginagawa. At exactly 12 midnight sila nag-s-start, may dasal na ginagawa ang isa, Ama namin in latin. Parang 3 person lang talaga yung kelangan, yung 2 ang nakahawak ang hintuturo dun sa baso at ang isa naman tagasulat sa kung anong sasabihin ng kaluluwa para mabilis maintindihan. Kung more than 3 person naman ok lang din, pwede sila magtanong or whatever, pero 2 lang talaga ang dapat nakahawak. Kung gusto mo magtanong, kelangan nakalapat ang isa sa mga daliri mo sa baso para masagot ang tanong mo. Isa sa dalawang nakahawak sa baso ay iaalis ang hintuturo at papalit ang may gustong itanong. Isa sa mga nakausap nila ay si Magsaysay, our former president at si Lapu-Lapu. Unbelievable? Yes! It's really hard to believe na yung kaluluwa ng dating president ang kausap nila. Pero may posibility rin naman na nagpapanggap lang ang kaluluwang yun. Pero who knows, wala namang mawawala kung maniniwala sila na si Magsaysay yun. English speaking pa nga daw si Magsaysay e.

Kahit ako hirap paniwalaan ang kwentong to. Pero kasi kada mapapag-usapan ang mga ganitong kwento at ikukwento niya to e ganun na ganun pa rin. Walang labis walang kulang, consistent kung baga. Kaya naniwala na rin ako, kasi diba kung gawa gawa lang niya yun, bawat ikukwento niya to maiiba dapat ang version, pero hindi, kaya yun, pinaniwalaan ko na rin. Yung huli nilang na-encounter bago sila tumigil ay yung kaluluwang sinasabi na pinatay daw siya at inilibing ang katawan niya sa mismong lugar kung nasan sila ng mga oras na yon at gusto lang niyang humingi ng dasal.

Ito naman ay tungkol sa kaibigang manggagamot ni mama, kaya daw ng manggagamot na ito na gawing pera ang kahit na anong gamit o bagay pero ang bisa ay hanggang 30 mins to 45 mins lang. Nasaksihan daw mismo ng kanyang mga mata kung paano naging pera ang isang bagay, may orasyon na ginamit syempre. Kumain daw sila nun sa karinderya tapos yung pera raw ang pinangbayad, dali-dali daw sila nun umalis pagkatapos ibayad ang pera at inabisuhang wag lilingon. Yung orasyon daw para maging effective, tuwing Tuesday at Friday, 12 midnight lalabas ka at pupunta sa isang particular place at dun gagawin ang mga dapat gawin. Kelangan nandun ka pa rin minuto bago sumikat ang araw. Sounds easy right? Syempre palaging may twists. Habang nandun ka at hinihintay ang pagputok ng araw may ginagawa ka rin, katulad ng pagbanggit ng iba't ibang orasyon. At lahat ng alam mong uri ng maligno nandun at dinidistract ka. As in lahat. Kung mapagtagumpayan mo to, edi kaya mo ng gawing pera ang kahit na anong bagay.

Love potion. Ang isa sa mga tito ko, kapatid ni mama ay kayang magpa-ibig ng sinumang matitipuhan niya. Maging ang naging asawa nito ngayon ay ginamitan daw niya ng salamangka. Sa pagkakaalam ni mama hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ng tito ko ang orasyon na ito. Meron daw pangmadalian at pangmatagalan. Yung pangmadalian, parang gusto mo lang na mapansin ka niya, ganun. Ang pangmatagalan, yung panghabambuhay na. Mawawala lang daw ang bisa ng gayuma kapag naipagamot ang taong ginayuma at kung namatay na ang gumawa ng gayuma.

Mas kilala na ginagamit sa gayuma ay liquid na nakalagay sa maliit na bote at inihahalo sa pagkain o inumin pero sa tito ko kasi dasal yung ginagamit niya. Kaya hindi ko alam kung pano mawawalan ng bisa ang sa tito ko.

Para sakin, naniniwala ako sa lahat ng to dahil even here in Luzon at kahit 2016 na, there's still people na nakakagawa ng mga ganitong bagay. I know it's really hard to believe these stories kasi kahit ako nung una nagdoubt if possible na mangyari lahat ng to. Di ko rin kayo pipilitin, I just wanna share mga nalalaman ko.
Ikaw, kaya mo bang harapin ang mga ganitong uri ng pagsubok para makakuha ng di ordinaryong kapangyarihan para lamang sa iyong makasariling hangarin?

Hermionex'kie

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon