7 ft.

1K 14 0
                                    


kapre ba?
based on my experience.

naniniwala pa ba kayo sa mga kwento tungkol sa kapre, whitelady, maligno o kahit na anong supernatural keme? kung hindi,siguro kailangan nyo munang maexperience bago kayo maniwala. haha

nangyari to sa probinsya, 6years ago.Nagbakasyon ang pinsan ko samen, matandang dalaga na sya or sabihin ko na lang na late bloomer,nagka bf naman na sya before pero siguro hindi pa sya ready for commitments kaya hindi na nakapag asawa. 33 yrs old na sya nun (ata?)   pinsan ko sya sa father side Dahil nga mejo napag iiwanan na sya , nireto sya ng papa ko sa batchmate nya na byudo. barkada ni papa yun since highschool at ninong din sya ng kapatid ko. kaya naman kilalang kilala sya ni papa at isa pa marami din naman silang common friends ni ate. kaya mejo may spark agad. hehe

Sa probinsya kasi uso ang ligawan sa bahay, yung tipong pupunta sa bahay magdadala ng pagkain, ganun. tapos ipagpaalam ka sa magulang mo to go out, or to go somewhere. Dahil mejo conservative tong pinsan ko, madalas nya kaming isama tuwing may susundo sa kanya sa bahay. . madalas kaming pumunta sa farm nung lalaki. malawak ang lupain ni kuya may fishpond, ganun. Kumbaga kaya naman bumuhay. goodcatch din naman sya sa ate namin. maganda na successful pa.

Madalas kaming sinusundo sa bahay ni kuya, syempre kasama kaming tatlong magpipinsan bukod dun sa ate namin (mejo magulo? sige , ganto na lang 3 kaming alalay ni ate twing susunduin sya sa bahay, sumasama kami kasi maraming pagkain. haha ) syempre with my father's consent. mabait naman talaga tong lalaki. proven yun.

Parang naging daily routine na yun kapag fri at sat pagpatak ng 4pm susunduin na kami sa bahay, kung hindi makakapunta si kuya dahil busy sya, pinasusundo nya kami sa mga tauhan nya.  8pm uuwi din kami agad.
Until 1 night, hindi kami kaagad nakauwi ng 8pm dahil  umulan ng malakas, hindi na nga kami nakapunta sa farm,kaya puro kain lang ginawa namin sa bahay ni kuya, nagkukwentuhan sila ni ate,may ibang bisita din si kuya. tapos nanunuod lang din kami magpipinsan ng movie. 4km lang ang layo ng bahay ng manliligaw ni ate sa bahay namin (sa baryo kami at sa sentro si kuya)mejo bukid nga lang yung dadaanan. pero patag naman yung kalsada at sementado din. Dahil nga mejo gabi na, panay na ang text at tawag nila mama kay ate at kuya. tinatanong kung anong oras daw ba kami uuwi. 10pm na din kasi.

Hinatid na lang kami ng motor, kahit na mejo umaambon pa, importante makauwi na. pinauna na kami ng ate namin. apat kami sa motor kasama na yung driver. sa likod ng driver yung pinsan ko, kapatid ko at ako sa pinakadulo na nakasakay. sa bakal na lang ako nakaupo .pinapaiwan na nga ako ni ate, pagbalik na lang daw ulit ng motor para daw may kasabay sya pero pinilit ko na lang na makasakay dahil gusto ko na rin makauwi. hindi  uso ang helmet sa probinsya. kaya nakikita ko yung mga dinadaanan namin. kung gaano kadilim. parang ghost town kasi walang tao at umuulan pa.

siguro mga 5mins na rin tumatakbo yung motor, nang bigla na lang may lumitaw na tao, out of nowhere, hindi ko napansin kung san sya galing. at first, parang normal lang na tao na nakakasalubong mo sa daan.. hindi ko naaninag yung mukha dahil madilim dun sa part na dinaanan namin, may mga ilaw naman ng poste pero hindi ganun kaliwanag para mamukhaan ko kung sino yun. ilang metro lang din ang layo mula sa hospital, pero ang natatandaan ko at sigurado ako sa nakita ko na lalaki sya  at kulay puti yung pantaas nya hindi ko sigurado kong polo ba yun o tshirt lang. nakasalubong namin sya, kami going southbound at sya naman northbound, hindi ko na sana papansinin kasi baka naman magsasaka lang na ginabi sa daan .. nagtaka lang ako kasi  sobrang tangkad nya. to think na nakasakay na nga kami sa motor e bakit hanggang dibdib nya lang kami..kung kilala nyo si yao ming? yung basketball player ng china, ganun yung tangkad nya.. akala ko nakasakay lang sya sa bike (yung bike na makikita mo sa circus yung may dalawang gulong na malaki) kaya ganun sya katangkad pero nung nilingon ko sya..jusko pooo. naglalakad lang pala sya at parang naka-slowmotion pa sa paghakbang. yung tipong takbo ng tao, lakad pa lang sa kanya yun. sobrang tangkad nya talaga. nakaramdam na  ako ng takot kaya kinalabit ko yung pinsan ko, pati si kuya driver. tinanong ko sila kung nakita nila yun, pero nung nilingon nila, wala naman silang nakita. sobrang dilim na nung part na yun. lahat na kami magpipinsan nagsisigaw na sa takot. pati si kuya driver nahawa na rin sa takot kaya halos paliparin nya na yung motor. Nung narealize ko na hindi nga tao yung nakita ko, hindi ko inaangat yung ulo ko, nakayakap lang ako ng mahigpit sa kapatid ko, nakapikit at nakataas din ang mga paa ko.feeling ko kasi kayang kaya nya akong hilahin kahit na malayo na kami. Gustong gusto ko ng lumipad nung moment na yun, nagsisi pa ako kung bakit sa pinaka dulo pa ako sumakay.
maya maya huminto yung motor, nasa bahay na pala kami. thanks God. we went home safe. mangiyak ngiyak kaming tatlo sa takot. agad kong kinwento sa tatay ko yung nakita ko, tapos umalis sila agad may mga dalang itak at tubong pamalo. pero wala na silang inabutan dun. sinundo na rin ni papa si ate namin.

Nung gabing yun, hindi talaga ako nakatulog kahit na nakabukas ang ilaw. nagkwentuhan na lang kami nila mama at dun ko rin nalaman na usap usapan na pala yun sa samen. na may kapre daw talaga dun na nakatira sa lugar na yun. may abandonadong bahay kasi dun na may water tank sa taas at madami ding puno. hindi sinasabi samen yun kasi baka matakot kami.. araw araw  kasi namin dinadaanan yung lugar na yun pag uuwi from school.  Isa pa, sabi ni mama matagal na panahon na rin bago nagparamdam ulit yung nilalang na yun. well, for me its a lesson learned. Hindi na kami ulit sumama kay ate kapag may susundo sa kanya.  few days after bumalik na rin naman sya sa manila at never na akong nagmotor kapag gabi na..

salamat po sa matyagang nagbasa. :)

-Probinsyana
Quezon

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon