Hi admin. Sana mapost mo po itong story ko. Thanks.Nangyari po ito noong 4th year highschool po ako. Year 2014. Isa po ito sa mga hindi ko makalimutang pangyayari sa aking buhay.
So here's the story goes.Friday yun ng alas onse ng gabi, matutulog na sana kami ng pinsan kong itago na lang natin sa pangalang John. Kaming dalawa lang sa bahay ng mga oras na yun. Bago kami matulog, nagkwentuhan muna kami. Sa pagkakasarap ng aming kwentuhan may biglang kumatok sa aming gate, isang babae at bibili raw sya samantalang wala naman kaming tindahan. Ngunit nagpupumilit pa rin syang bumili. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa medyo madilim dahil tanging street lights lang ang nagsisilbing liwanag sa labas. Pero ang unang napansin ko sa kanya ay ang kanyang buhok na halos hanggang tuhod ang haba. Hindi na lang namin ito pinansin hanggang sa tuluyan na rin siya umalis.
Nung kami ay nakahiga na ng aking pinsan at matutulog na sana kami, bigla na lang may sumigaw na ""TULONG! TULUNGAN NIYO KO! TULONG!"" Napakalakas ng kanyang boses at parang napakalapit niya sayo. Natakot kami ng aking pinsan at nagtalukbong ng kumot. Pero hindi pa rin ako mapakali kaya sinilip ko ito sa labas at baka may krimen na naganap ngunit walang katao tao maski anino. Hinayaan ko na lang din at humiga na lang sa kama ko dahil tulog naman na ang aking pinsan. Nilock ko ang pinto dahil nakagawian ko na ang maglock at natulog na.
Kinabukasan, nagising ako ng alas kwatro ng madaling araw dahil nakalimutan kong patayin ang alarm ko. Nagulat ako sa tumambad nung binuksan ko yung ilaw. Nakabukas lahat ng drawer ko at may mga buhok na halos isang metro ang haba. Napakadami. Nagtaka ako dahil hindi naman mahaba yung buhok ko at imposible namang pinagtripan ako ng pinsan ko dahil nakalock yung pinto. Nanlamig yung buong katawan ko at nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil naalala ko yung babaeng kumatok kagabi. Ginising ko yung pinsan ko at ipapakita ko sana yung mga drawer kong nakabukas na puno ng mga buhok. Ngunit pagpasok namin sa kwarto nakasarado na yung drawer ko at wala ng mga buhok. Takang taka ako at takot na takot nung mga oras na yun.
Ilang oras din siguro akong nakatulala sa kakaisip sa mga nakita ko. At maya maya pa ay dumating na si tita at ang unang bungad niya ay may mga pulis daw sa labasan dahil may babaeng duguan daw dahil na hit and run. Basag daw ang bungo at nagkalat ang buhok sa kalsada. Kinilabutan ako at kwinento ko kay tita ang nangyari kagabi. Sinabi niya sa akin ay sabihin ko daw sa pastor namin sa simbahan. Pumunta kami at sinabi sa kanya ang mga nangyari, agad naman nila akong pinagpray over. Simula noon hindi na nagparamdam sakin yung babae.
Yun ang hindi ko makalimutang pangyayari sa aking buhay.
Thanks admin at sa nagbasa. God bless you all.anon123
