Sleep Paralysis

603 8 0
                                        


"Sleep Paralysis
Hi guys im jheff
Reader lang din ako dito at dahil may karanasan ako share ko lang din story ko. so eto nanga....
Wednesday, tangahaling tapat galing ako sa labas.
antok na antok nako umuwi ako sa bahay. nanuod muna ako saglit ng tv then humiga ako sa sala
dumapa ako dahil nga antok na antok nako.
2:00pm nung mga oras nayun (alam ko yung oras kase tumitingin ako sa cellphone ko bago matulog)
yun nga relax na relax ako nung time na'yon natulog ako ng naka straight yung paa.
di ko alam na yun pala yung simula ng sleep paralysis ko.
mga 20mns siguro ayun na nagising yung diwa ko pero bakit ganon?
di ako maka galaw tapos para akong naka hiwalay sa katawan ko. nang biglang nakita ko yung sarili ko,
nakahiga sa lapag tapos sumigaw ako, kase natakot nako.
tinatawag ko si mama pero di ako naririnig, pilit kong ginagalaw yung kamay ko at ulo pero di ko kaya.
Sigaw ako ng sigaw pero parang walang boses na lumalabas'
tapos ayun bigla nalang akong nagising dahil nga sa pilit na pag yugyog ko ng katawan ko.
Para bang naka gapos ako tapos pinipilit kong kumawala. Yun nga, tumayo ako, pag gising ko nauuhaw ako.
Pagkatapos no'n, Di ko na ulit tinuloy yung tulog ko, kase natakot nako na baka maulit pa yung nangyari..

2nd time. Eto yung parang sinusundo nako sa panaginip nakakatakot.
natulog kame ng kapatid ko sa kama 2:00 ulit ng tanghali. Alam kong 2:00pm yon kase galing ako sa comp shop
then nakatulog ako ng nakadapa at straight nanaman ang paa. i think mga 40 mins naman nanaginip ako.
Buong buo sa isip ko yung panaginip ko. Nung una nakita ko yung patay na nakahiga sa kabaong,
kilala ko yung patay e. Tapos tinitignan ko sya. Biglang nagsalita di ko maintindihan yung sinasabie
para bang dasal ng ewan ! then nagsalita ako sa panaginip ko ng "ano?" dalawang beses ko inulit yun.
Tapos non biglang palayo na ng palayo yung nakikita kong patay na nasa kabaong at nag iiba sya ng itsura,
para bang lumang letratong unti unting nabubura. Para bang pamilyar yung nangyayari,
ayun naramdaman ko nanaman na gising ako pero yung katawan ko tulog. Ginalaw ko yung kamay ko pero ayaw.
nag wawala nako kase natakot nako naranasan ko na yun baka di nako magising ulet.
Niyuyugyog ko yung katawan ko at sumisigaw pero wala parin akong boses.
Pinilit kong gumising habang niyuyugyog ko ang katawan ko Takot na takot nako pero pilit kong ginigising sarili ko.
Mga 4-5 mns siguro bago ako magising. tapos tumayo ako. Pinagpapawisan ako,
Ayun Di ko na ulit tinuloy yung pag tulog ko. Sa tingin ko sundo yung naranasan ko.
Pero kahit anong mangyari Panalangin lang ang tanging sagot sa mga nangyayaring kababalaghan sa buhay natin.
From now on : di nako natutulog ng diretso ang paa. natakot nako kase dalawang beses na nangyari sakin
Thanks for reading :D
#Fv*k U Satan
#Bangungot
#SpookyStory

Jheff Naoe
Quezon City

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon