Shadow Thing

1.6K 17 1
                                        

"Hello Spookify! :) I've been in this page for half a year and a silent reader also. dahil sa mga nababasa kong stories of their experience, nainspire akong ilahad ang aking karanasan na di pangkaraniwan. Although na di naman ako masyadong nakakakita at nakakaramdam, paminsan minsan lang. Thank you spookify for giving us a bad sleeping habit! :) hahaha SO LET'S START!

This experience happened in summer, 3 years ago (May 18, 2013). Nagbakasyon ako sa Ilocos Sur nun (My province) dahil matagal na din akong di nakakapunta. At dahil na din namimiss ko ang ambiance, relatives, at mga tropa na din hihi. Lalo na ang dagat dahil lagi lagi kami ng mga friends ko dun (kaya ako umitim haha).

I stayed at my cousin's house in Bario Manangat (Ayaw ko kase sa bahay namin sa Bario Pandan kase madami na ding nakatira dun and may nararamdaman din ako dun haha). At dahil malaki yung bahay ng pinsan ko may sarili akong room haha, so jump na tayo sa scene. masyadong mahaba intro ko eh :)

One night, around 10pm. I took a warm bath kase matutulog na ako, magkatabi kase yung pinto ng banyo at pinto papuntang labas (dalawa ang pinto palabas ng bahay). yung pinto na yun na katabi ng sa cr eh daan papuntang likod ng bahay na open area na madaming puno at kulungan ng manok. Eh di natapos na akong maligo at isasampay ko na ang tuwalya ko sa labas, nang isasabit ko na ito sa sampayan, I noticed that theres something standing sa may puno ng saging (siguro mga 5 meters away sa kinatatayuan ko). Human figure siya na nakatalikod pero the color of it is black. Hindi ko nalang siya pinansin kase baka galing inuman yun at kailangan niyang umihi sa puno. Then biglang lumakas ng unte ang hangin, eh bagong ligo palang ako nun kaya pumasok na ako kase sobrang lamig.

Mga around 12am, nasa kwarto na ko then soundtrip nadin (Love Radio) at konting laro na din sa nokia phone ng pinsan ko (Football). Hindi ko na sinara ang pinto ng kwarto ko para may konting sinag sa ilaw (yung switch ng ilaw is dihila). Then after 10 minutes napatingin ako sa pinto,napansin ko na gumagalaw galaw yung switch ng ilaw. Inignore ko siya kase ayaw kong matakot. nagfocus lang ako sa nilalaro ko para malibang ang utak ko. Pero di ko padin maiwasang tumingin sa pinto, sakto pagkatingin ko sa pinto bigla nalang may dumaan na parang nagmamadali papuntang pinto sa cr at yung switch ng ilaw is nagsway siya ng malakas. Alam ko ang nakita ko at di yun guni-guni kase di pa ko inaantok nun. Hindi ko padin siya pinansin pero sa loob loob ko natatakot na ko.

1am na at feeling ko inaantok na ko kaya naisip ko na isara ang pinto ng kwarto, pero nang tumingin ako sa pinto may naglakad ulit na natataranta papuntang sala (maitim ito na parang isang anino). At ang switch ng ilaw ay nagsway nanaman ng malakas. Natakot na ako nun, gusto ko ng puntahan ang pinsan ko para sabihin pero baka tuksuin lang niya akong bading saka natutulog na ang anak nila baka magising pa, Tumayo ako bigla para isara ang pinto pero di ko inaasahang namatay ang ilaw. P!@#% I*@ !!!!!, napasigaw ako kase nanginginig na ako ng time na yun sa sobrang takot. Biglang bumukas ang pinto sa kwarto ng pinsan ko, akala ko katapusan ko na pero binuksan niya ang ilaw at yun nakita ko pinsan ko and i feel relieved kase siya ang nagbukas ng ilaw na yun at hindi yung aninong ewan na yun. kinuwento ko sa kanya ang pangyayare na yun at nagtaka ako kase di siya nagulat. Sabi niya sakin ""ditoy ka nga matugen"", hindi ko na siya tinanung kung bakit di siya nagulat kase feeling ko na alam din niya siguro na may ganun sa bahay niya.

Kinabukasan pumunta agad ako sa netshop para magsearch sa kung ano ang nakita ko. At may resulta nga ang hinanap ko, simula nun dun na ako natutulog sa kwarto ng pinsan ko hanggang umuwi na ko ng manila dala ang karanasang yun.

Sinearch ko ang ""shadow man"" sa google at eto ang sinabi ng Wikipedia...

""A shadow person (also known as a shadow figure, shadow being or black mass) is the perception of a patch of shadow as a living, humanoid figure, particularly as interpreted by believers in the paranormal or supernatural as the presence of a spirit or other entity.[1] Many methamphetamine addicts report hallucinations of ""shadow people"", as a result of sleep deprivation."""

Rob
Caloocan City

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon