Hello po admin. Nakarelate po ako dun sa post na reincarnation. Gusto ko lang din po sanang i-share yung experience ko. Sana po mapost ito. Medyo may kahabaan po ito at baka SPG sa paningin ng iba.
Simula nang marinig ko na may bansang Fiji, gustong gusto ko nang marating yun. Kahit hindi ko alam kung saang parte ng mundo yon at kung anong meron don. Hanggang sa nalaman ko malapit ito sa bansang Australia. Isa ito sa mga naging bucketlist ko sa mga pupuntahan kong lugar balang araw...
Eto na. Dito na nagsimula. Hindi ko alam kung bakit, pero nangyari na lang na gabi-gabi na kong nananaginip na may sinasaksak/pinapatay. Nananaginip na ako ng ganun dati pero hindi naman gabi-gabi. Naging madalas din ang managinip ako ng taong pinagpepyestahan, tipong cannibal. Sinabi ko sa mama ko ang munting problema ko. Baka daw sa mga napapanood ko kaya ganon ang napapanaginipan ko. Pero narealize ko, di pa naman ako nakakapanood ng ganong klase ng movie kasi di ko trip except sa isang movie na di ko maalala kung ano yung title. Patayan to the max na halos masuka na yung mga kasama ko samantalang ako, wala lang. Nanood lang... Parang normal lang sa paningin ko yung mga nakakadiring scenes.
So ayun nga, halos gabi-gabi ganun ang panaginip ko. Minsan may china-chopchop ako. Minsan naman, pag hindi ako yung sumasaksak, ibang tao yung gumagawa tapos pinapanood ko lang. Multiple stabwounds yung ginagawa ko, kita ko kung pano lumuwa yung bituka nung mga sinasaksak ko. Hinihiwa ko pamula sa dibdib hanggang sa tiyan. Tandang tanda ko yung hitsura nung lalaking biktima ko. Blonde. Siguro kano yon. Sigaw ng sigaw. Yung isa naman, lalaki din, mataba at medyo panot. Hindi mukhang kano. Hawak siya ng mga taong nakapang-costume na ati-atihan. Sumisigaw. Para siyang iniihaw.
Dumating na ako sa puntong halos ang dasal ko lang ay wag ng ganun mapanaginipan ko kasi hindi na ako makatulog ng ayos. Isang gabi, hindi ako dinalaw ng antok kaya nag internet nalang ako pampalipas oras. May nakita akong article na Top 10 Countries na dapat mapuntahan. Hindi ko yun binasa. Instead, ay sinearch ko ang Fiji since yun naman ang dream kong puntahan. At nang masearch ko na, may mga nakita akong pictures. Sobrang ganda pala ng Fiji. Nabighani ako kasi para pala siyang isla. Ang ganda ng mga dagat. Lalo na kong kinain ng sistema na dapat mapuntahan ko ang Fiji... Hanggang sa may nakita akong related search. Juiceko. Cannibals in Fiji. Mga ganon. Nung clinick ko yun, may mga articles na biglang naglabasan. Pumili ako ng isa at binasa ko. Sabi don ay nung unang panahon, may mga cannibal daw na nag eexist sa Fiji. May part pa don na ininterview nung blogger ung isang taga-Fiji na nakatikim daw ng karneng tao. May picture din sa article na yon na isang isla kung saan dinala yung kawawang biktima ng mga cannibals. Di ko matandaan ung name nung biktima na ang pakay daw ay magshare ng word of God. Pero di na daw ito nakabalik simula ng tumapak sa Fiji. 15th century ata yun. Kinilabutan ako. Kasi yung islang yun, nakita ko na minsan sa mga panaginip ko.
Hindi naman ako naniniwala sa reincarnation. Pero dahil sa gabi-gabi ngang nananaginip ako na may pinapatay ng brutal, naisip ko... kung sakali kayang nabuhay ako dati... ibig sabihin, killer ako noon? Or cannibal??? Yun ba ang gustong iparating ng panaginip ko? Napatawa ako non. At sinabi sa sarili kong kung totoo man yun, sige. Hindi na ko pupunta ng Fiji para sa ikatatahimik ng mga naging biktima ko. And believe it or not, from that day on, nung sinabi ko yon.. hindi na ako nanaginip ng ganun.
Posible nga kayang totoo ang reincarnation? Kung totoo man, sorry sa mga naging biktima ko. 😢
Ann
