Unknown Species
Hello silent reader here, sana mapost po. Naalala ko lang yung experience na talagang hinding hindi ko malilimutan, so eto na nga yon.
Taga bulacan ako, di ko nalang sasabihin kung san sa bulacan, madalas namin mapagdesisyunan ng mga pinsan ko na matulog sa bahay ng lola namin. Kapit bahay lang namin si lola, bali isang compound kami, puro kamag anak lang kaya magkakasama lang din kami ng mga pinsan ko. At yung lola ko sa kanya nakatira yung isa naming pinsan. Bali sya nag aalaga, may sakit yung pinsan namin at di na sya nakakalakad, nakakatayo pero aalalayan namin. Ayokong ifull yung mga info kasi baka makilala ako ng mga pinsan ko. So eto na nga natulog kaming magpipinsan sa isang kwarto. Bali kaming dalawa ng pinsan kong may sakit tabi kami sa kama, yung iba sa baba ng kama natutulog. Bigla akong naalimpungatan ng madaling araw, napadilat yung isa kong mata sa di inaasahang pagkakataon. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, hindi ko maexplain mabuti yung itsura nila pero dalawang dangkal yung laki nila na parang kulubot yung itsura nila. Di ko masabi masyadong duwende yun pero kasi dalawang dangkal ang laki nila. Mejo mahaba na mejo maputi at gulo ng konti ang buhok nila. Nag uusap sila pero di ko alam pinag uusapan nila. Nakatapat sila mismo sa paa ng pinsan kong di nakakalakad. May ginagawa sila, di ako makagalaw kasi baka maramdaman nilang gising ako. Then bigla silang napatingin sakin at bigla akong pumikit, as in pikit na pikit. Yung tenga ko parang nabingi, wala akong marinig, sobrang tinis lang na tunog ang naririnig ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pray lang ako ng pray ng time na yun, di ko na alam sumunod na nangyari. Nagising nalang ako kinabukasan na di ko makalimutan yung dalawang nilalang na nakita ko. Kinuwento ko sa mga pinsan ko, di naman nila alam kung maniniwala sila. Di ako makapaniwala kung totoo ba talaga yun pero sure na sure akong hindi panaginip yun. I swear anong klaseng nilalang kaya yun 🙄 at ano ginagawa nila sa tapat ng paa ng pinsan ko? Dalawa lang nasa isip ko ng time na yun, gagamutin nila? Or sila ang dahilan kung bakit di makalakad pinsan ko? Pero kasi base sa sakit ng pinsan ko, di na talaga sya makakalakad eh. Hays bat nga kaya sila nandon at anong gagawin nila dun kung di ko sila nakita. 🤔
Next time magshare ulit ako ng stories pag napost to, tungkol naman sa mga bangungot ko sa hunted building na agency na natirhan ko. Take note di lang ako ang binabangungot sa building na yun, halos lahat kaming trainees na nakatira dun.
Ms. G