My encounters.1990
Way back years ago, about 9 years old pa lang ako, may mga nakikita na akong kakaiba. Tuwing gabi, ako nakatoka magsara ng bintana bago matulog. Ung bahay namin is gawa sa kahoy. Nakaangat ung foundation nya ng mga 4 feet. Sa ilalim nun lupa lang, pwede ring gawing bodega. Every time na sisilip ako dun natatakot ako. Di ko alam kung bakit. Ung kusina namin level lang ng lupa so ung bahay lang talaga nakaangat. Pag akyat mo , tas kwarto namin tas dun din daanan papunta kusina. Dun sa sala tanaw ung pinto ng kusina palabas. Tas sa labas may malaking puno malapit sa pinto mismo ng gate. One night nagsasarado nako ng bintana de kalang pa ng kahoy ung . Pagsara ko sa huling bintana may nakita akong usok na hugis tao dirediretso sa pinto ng kusina. Medyo natakot ako pero wala naman ako kinuwentuhan. Lumusot ung usok dun sa pinto. Simula nun di nako nagsasara ng bintana.2nd experience
Di ako pero papa ko nakaranas. Dyan din sa bahay na yan. Nanaginip papa ko. May nakikipag agawan daw na dwende at kinukuha ung kumot nya. Matagal daw syang nakipag agawan hanggang sa di na daw nya kinaya. Dun daw pumunta ung dwende sa may malaking puno malapit sa gate namin. Nagising papa ko na nasa lapag lang na sya at ung kumot ay nawawala na. Kwento ng mga kapit bahay namin may mga nakatira daw talaga dun sa puno na yun. Kaya siguro walang tumatagal sa bahay na un at ilang taon lang ay umaalis na mga tao. Tas minsan daw sa umaga may mga nakikitang dwende sa harap ng bahay namjn. Mismo mama ko nakakita. Wala namang ginagawa nagwawalis lang naman daw. Umalis na rin kami after isang taon.3rd experience
Eto talaga highlight ng ift ko. Highschool nako nito around 1997. Palagi nako tambay after school. Malapit lang naman saka pinsan ko naman kasama ko. Minsan inaabot kami madaling araw sa bahay nila. One night nagkwento ung tita ko. Minsan daw walang tao sa cr pero sumasara at nakalock ito sa loob. Nagtataka sila pano malolock e hook ung pang lock sa loob. Typical cr walang lusutan sa itaas ng kisame or window. Hanggang sa sirain daw nila ung pinto mabuksan lang.
Meron din daw gabi na may nagpapanggap. Natutulog daw sya ng may marinig syang kalabog. Pagdilat nya kapatid nya pala. Nanghihingi pambili ng sabon panlaba. Kapatid nya kasi tagalaba nila. Tas sabi kumuha na lang sa bulsa then tinuloy nya pagtulog nya. Maya maya bumalik daw ung kapatid nya tas tinanong nya kung nakabili ng sabon. Nagtataka kapatid nya kasi meron pa naman daw kaya di na sya naghingi. Nagkatinginan ung magkapatid kasi alam nila na un na naman. May nagpakita na naman. Habang kinukwento ng tita ko kinikilabutan talaga ko. Ngayon lang ako nakarinig ng mga ganyang kwento na mismong kakilala ko pa at tita ko pa. Di pa pala tapos ung kwento nya. May isa pa. Parang best for last. Natutulog sya ng may marinig ukit syang kalabog. Medyo madaling araw na nun. Pagdilat nya naaninagan nyang may naka itim. Itim lang damit buong katawan at buhok. Pero di makita ung muka kasi mahaba at gulo gulo ang buhok. Hanggang sa nagsasasayaw daw un na parang baliw. Di raw sya makakilos di nya alam kung bakit. Pasayaw sayaw at paikot ikot sa buong kama nya. Matagal daw un na ganun lang ang ginagawa. Di nya rin alam kung babae or lalake. Tas bigla na lang daw itong naglaho sa paningin nya. Sa oras na un nakakilos na tita ko na pawis na pawis at uhaw na uhaw. Un ung last kwento sakin ng tita ko. Tas umuwi na kami ng mga past 12.Lumipas mga ilang araw di ako mapakali. Parang may nagmamasid sakin lagi. Kahit sa pagtulog ko. Ilang araw pagtapos magkwento ng tita ko. Uneasy feeling kahit san ako pumunta. Then one night I was trying sleep. Di ako mapakali, paikot ikot, gulong, talukbong, lahat na ginaea ko para makatulog hanggang sa tamaan nako ng antok habang nakatalukbong. Maya maya may naramdaman akong bumigat sa kama. As in ramdam na ramdam mong may presence. Parang may umupo. Ung pressure andun talaga, bumibigat. Ayaw maniwala ng isip ko. Ang hinawa ko hindi ako huminga kasi baka ako lang din un. Mga ilang segundo naramdaman kong hindi nga ako un. Dahan dahan pa rin bumibigat ung umupo. Ako lang po sa kwarto mag isa. Ung kama ko nasa lapag. Nakalock ang pinto. Walang logical explanation sa nangyare. I freaked out. Nawalan siguro ko ng malay kasi nakatulog ako. Kinuwento ko kagad sa tita ko pinuntahan ko sila sa bahay. Baka daw sumama sakin ung spirit kasi wala na silang maramdaman sa bahay nila. Di ko alam gagawin ko pero after that incident lagi nako nakakakita or nakakaramdam. Minsan nakakakita na rin ako ng mga shadows. Wala ako nagawa kundi embrace ko na lang. Di sya ganun ka frequent pero meron pa rin. Hanggang sa nagkaasawa nako meron pa rin. Pero that’s another story.
Daddy