Ako si Luna, 22 years old. Tubong probinsya pero lagi akong napagkakamalang dayo or taga-Manila. Maputi kasi ako, foreigner level pero Pilipino naman talaga ako. Well, yung Mama ko, 1/4 German kasi. Yung Mama naman nya (lola ko) is half-German, blue eyes pa nga eh.Noong 12 years old ako, nagpahaba ako ng buhok. Palagi kasing maiksi ang buhok ko, si Mama nagdedecide ng haircut ko eh. Nung time na yun, papasok na ako ng high school. Gusto ko na magpahaba ng buhok kasi ang ganda nga naman tingnan. Si Mama, ayaw nya kasi mainit daw, papawisan daw ako, ganito ganyan, dahilan dahilan. Ayaw ko papigil. Talagang pinahaba ko ang buhok ko. Maganda naman kasi, brown ang buhok ko, natural, di na kelangang kulayan. Kaso sana pala, nakinig ako sa kanya noon.
Sa likod ng bahay namin, magubat at masukal. May mga puno ng kawayan at matataas na damo. May ilog rin pero may kalayuan na.
Itong mga kapitbahay kong mga kaedad ko rin, laging nagpupunta doon sa ilog. Sinasama nila ako pero ayaw pumayag ni Mama. Isang araw, saktong umalis si Mama noon at nagyaya mga kalaro ko. Game naman ako. Excited pa nga ako dahil first time kong makakapunta doon sa ilog. Pagdating doon, hindi naman pala talaga ilog, sapa lang at napapalibutan ng malalaking puno. Hindi naman malamok dahil umaagos ang tubig.
Syempre mga bata (Though teen na ako, isip bata pa rin haha) nagtatampisaw kami sa tubig. Habulan, ganyan. Hindi na namin namalayan yung oras, tanghaling tapat na pala. Umuwi na ako sa bahay para kumain. Hindi pa rin umuuwi si Mama kaya pumunta na lang ako sa bahay ni PJ, bespren ko.
""PJ laro tayo ulit sa ilog!"" tawag ko habang kumakatok sa pinto ng bahay nila.
Biglang bumukas ang pinto at sinalubong ako ng Mama nya.
""Tulog na si PJ. Naku ikaw Luna wag kang nagpupunta doon sa ilog. Gusto mo bang kunin ka ng engkanto?"" umiling ako. Katakot naman sinabi ng Mama nya.
Hindi na lang ako bumalik. Kinagabihan, pag uwi ni Mama, nilagnat ako. Di ko sinabi sa kanya na naglaro kami sa ilog, papaluin ako sa pwet nun for sure.
Kinabukasan, nilalagnat pa rin ako kahit na pinainom na ako ng gamot. Nagpanic na si Mama, dinala na ako sa ospital. Nagdedeliryo na raw kasi ako. Di ko nga maalala pero sabi nya may binabanggit daw akong malaking tao sa labas ng bahay. Tapos nagsisisigaw na daw ako.
Pagdating sa ospital, kalmado na ko kasi nakatulog na ako. Nung gabi raw, ganun ulit, halos magwala daw ako pero wala akong maalala. Tinurukan ako ng sedatives para kumalma pero di raw umepekto. Beast mode kung beast mode daw ako noon.
Ginawa nila, tinali ako sa kama para di ako magwala pero nagsisisigaw daw ako kaya binusalan ang bibig ko. Mga bastos! Hahahaha. Kinaumagahan, kalmado na naman ako.
""Ano bang nangyayari sayo?"" parang maiiyak na si Mama nung tinanong nya ko.
Di ako sumagot kasi ako nga di ko alam nangyayari sa akin eh. Dalawang gabi lang ako sa ospital. Nung bumaba na lagnat ko, pinauwi na din ako. Pero nagwawala pa rin ako, sumpong sumpong lang. Ginawa nila Mama, tumawag na sila ng albularyo. Babae sya tapos nung pumunta sya sa bahay, dala nya lang, kandilang dilaw.
Pinaupo ako sa harapan nya tapos nagdasal dasal sya. Yung kandila, inihip ihipan nya saka pinahawak sa akin.
""Kapag itong kandila sinindihan ko at pula ang mga patak (Yung wax na tutulo galing sa kandila), ibig sabihin naengkanto ka"" sabi ng albularyo.
Hinawakan ko yung kandila. Nang sindihan nya, okay naman. Hanggang sa tumulo na yung wax sa gilid ng kandila. Imagine-in nyo na yellow sya tapos unti unting nagiging pula. Yung pinakadulo ng mga tulo, pulang pula. Creepy af men.
Tapos kumuha sya ng bond paper at pinadaan daan yun sa ibabaw ng apoy. Hindi naman nasunog yung papel pero yung itim na usok dumikit sa papel. Tapos may lumabas na image doon sa papel.