Hi share ko lang story ko na nangyari sa pamilya namin (Medyo mahaba).
Ilang taon na, magna nine years ka ng nawawala. Eto di pa rin kami maka move on nila kuya lalong lalo na si mama. Asan ka na ba ate??? Si Ate Jelai (nickname) mabait na ate ko yan, kalog, madaldal, pretty, hindi madamot, yan namimiss ko kay ate jelai.
1 babae lang kasi siya sa tropa niya medyo boyish, maraming lalakeng kasama. May tiwala si mama sa mga tropa niya, kilala niya lahat ito (6 sila sa tropa). Akala nga ni mama tomboy na yun pero pinaamin ni mama yun harap harapan pero babae daw sya. Yun matalino yun, Criminology course nun.
Kaso naudlot lahat ng pangarap niya.
December 18, 2007 may usapan yung ate ko na magki christmas party sila ng mga tropa nila, yun plano plano sila, sa dec 20 gaganapin pero dec 18 nanghingi na sya ng pera. Kinulit pa niya si mama na bigyan sya ng pera, pangtreat niya daw sa mga tropa. Ayun binigyan naman. Tas dun na daw sya matutulog at uuwi na lang sa 24. Pero yun na pala ang last moments niya sa bahay. Dec 19 ng gabi nagtext pa ako kay ate jelai na yung gift ko pinapaalala ko. Nagtext naman sya oo daw. Tas yun.
Dec 24 christmas eve ready na lahat ng pagkain, hinanda pa namin yung paborito nyang graham cake. Tas di pa sya umuuwi. Hanggang magpasko na wala pa rin. Hanggang magbagong taon walang jelai na makulit ang nagpakita. Nireport na namin sa police tas binigay na ni mama lahat ng details bago sya mawala. Police na daw bahala.
Pero ilang taon na, wala pa ring balita. Pabalik balik na si mama sa mga police, minsan iiyak na lang siya sa sulok. Tinanong na namin lahat ng tropa niya, ang alam daw nila umuwi sila ng sabay nung isa nilang tropang babae. Pero sabi ng tropa nila, si ate kim (Isang tropa nila na babae) hindi niya daw kasabay umuwi, nauna na daw sya nung gabi pa lang pagkatapos nila uminom. Palaisipan pa rin. Kaya nga lang gabe gabe mga ilang buwan nang mawala si ate, may nagpaparamdam sa kwarto. May kumakatok sa kwarto ko pag 3 ng madaling araw, ginagawa dati ni ate yun nung andito pa sya. Laging kinakatok ng pagka aga aga tas hihiga sa tabe ko para matulog, hindi daw kasi sya mak tulog, may insomia ate ko. Yun may kakatok tas bubuksan ko wala naman tao, pag dumadaan ako sa harap ng kwarto niya feeling ko andun sya (Sa taas kasi kwarto namin mag ate).
Ilang gabi akong nanaginip na puro lang siya. Mga napapanaginipan ko laging sa hagdan tas parang hinihila yung paa ng patay na tao pababa at may humihingi ng tulong. Sa huli andun si ate nakatayo at umiiyak. Tas magigising na lang ako. Miinsan pag inaantok na ko habang nanonood ng tv yung tipong pabagsak na mata ko, yung pumipikit pikit ka na lang maya-maya tulog ka na. Biiglang may pumipitik sa noo ko at magigising na lang ako, mawawala ang antok ko. At pag anniversary ng pagkawala niya, nagpapakita sya kay mama. Ang pinaka grabe pa ay pagkagising ko laging nasa harap ng pinto yung pambahay na tsinelas ni ate. Tinatanong ko sila mama kung sino naglalagay nun, hindi daw sila at bat naman nila gagawin yun. Minsan napapaisip ako kung buhay pa ba sya o patay na.
Hay ate namimiss na talga kita, nasan ka na ba? Bat laging sa panaginip lang kita nakikita?
PS. Naiiyak ako habang kinukwento ko to, namimiss ko na kasi sya.
Keykai
