Ala-ala ni Ama
Hello po sa lahat ng mga avid readers dyan..:) may gusto lamang po sana akong ibahagi sa inyo na isang storya ng kababalaghan na ako mismo ang nakaranas...
Year 2008 ng ma-admit ang Papa ko sa Chinese hospital ng malaman namin na may stage 4 Cancer sa kidney ang Papa ko ng magpacheck up siya sa Doctor kasama si Mama at kinakailangan na raw na ma-confine ang Papa ko sa lalong madaling panahon. Inilihim ito ni Mama Kay Papa na malala na ang sakit nya dahil baka kung ano pa raw ang gawin ni Papa sa sarili nya..Bale tatlo nga pala kaming magkakapatid at ako ang pangalawa, Iwas 9 years old pa lamang that time ng maconfine ang Papa ko..Bale iniwan nya muna kami sa Lola ko para bantayan kaming magkakapatid at sya naman ay nagbabantay Kay Papa sa hospital..Di rin nagtagal ay pumanaw ang Papa ko sa edad na 44 years old noong April 28 2008. Makalipas ang ilang buwan medyo mahirap pa samin ang makalimot Kay Papa dahil sariwa pa sa aming isipan ang iniwan nyang matatamis na ala ala. November 11 2008 bandang 3 o'clock ng hapon.,mag isa lamang akong naiwan sa bahay dahil nagsundo ang Mama ko sa bunsong Kapatid ko sa school at pumasok naman ang Kuya ko sa school..Galing ako sa isang Isang Video game shop at pauwi na ng bahay. Sa di kalayuan natanaw ko sa bintana ng aming salas na bukas ang ilaw ng bahay at sarado ang pinto. Medyo nacurious ako ng masulyapan ko yun.."Baka nandyan na si Kuya?" Salitang nasabi ko sa isipan ko. Nung time na yun mahilig nga pala kaming maggulatan ng Kuya ko Yung tipong parang tinuklaw ka ng ahas sa paa..hahah so bago ko buksan ang pinto sumulip muna ko sa bintana para tingnan kung san nakapwesto ang Kuya ko syempre naghahanap ako ng timing eh para gulatin sya..pagsilip ko wala Kong nakita kundi bukas na ilaw lang...Ginawa ko tinulak ko ng buong pwersa yung pinto para gulatin ang tao kung sino man ang nakauwi na kila Mama or Kuya ..Laking gulat ko ng biglang isang lalaki ang bakabarong na nakatalikod sa akin ang nagtitimpla ng kape sa lababo ang aking nakita maputla ang mga paa at tumutogtog pa ang radio ...Di ako makapaniwala sa mga panggayayari ,dale dale akong kumaripas ng takbo patungo sa bahay ng Lola ko para ikwento ko ang nakita ko...pero di naniwala ang mga pinsan ko..ng dumating si Mama galing sa pag sundo sa bunsong kapatid ko ay kinwento ko Kay mama na nakita ko si Papa...medyo natulala si Mama sa sinabi ko at umuwi na sa bahay habang ako naman ay nanatili sa bahay ng Lola ko at takot na takot umuwi ng bahay ..Kinagabihan ay napilitan na kong umuwi sa bahay at naabutan kong umiiyak si Mama habang naka yuko at may hawak na tuwalya at pinapangpunas sa mga luha nya ..sa Sandaling yun biglang bumuhos ang ulan at para bang nakikiayon sa kalungkotan ni Mama dahil namiss nya na naman si Papa at masnakakakilabot pa dun ay biglang nangamoy kandila sa loob ng bahay at napatigil sa pagluha si Mama dahil alam naming Hindi kami nag iisa kahit na wala na si Papa at alam ko rin na yun ang nais sabihin ni Papa kahit na wala na sya....yun lang po salamat sa mga nagbasa...:)
Hanggang dito na lang AKA Crizen
Crizen
Quezon City.
