Sa Hospital

644 3 0
                                    


Magandang araw admins! i hope na maipost po ito! 😊
ako po si Kisses (not my real name) since na engganyo na ako mag basa dito sa Spookify, na inspired na din ako ikwento ang karanasan ko na ayaw ko na sana ireminisce but syempre gusto ko dn naman ito ishare
So let's start!

way back 2005, when I was 13 years old, na ospital ang lolo ko (maternal grandfather) dahil na heat stroke sya, si tatay (yun ang tawag namin sknya magkakapatid at magpipinsan) ang pinaka close at favorite lolo ko, pero love ko din nmn ung isa kong lolo, pero kasi kasama namin sya sa bahay kaya naging malapit talaga sya sakin at alam kong favorite nya din akong apo (unang apo kasi akong babae) hihi so eto na nga
dinala sa ospital si tatay kasi talaga ang itsura nya eh tabingi na kaliwang pisngi, tumutulo na ang laway at di makausap ng maayos. sa ospital na yon na comatose si tatay ng for almost 5 days, tinaningan na sya ng doctor, pero isang milagro ang nangyare nagising pa siya, pero napag desisyonan ng mga doctor na ilipat sa sa isang malaking ospital sa Manila si tatay kasi di pa stable ang lagay nya, para na din sa mga test na gagawin pa sknya, sa unang ospital kasi na pinag dalhan sa kanya eh maliit at may kakulangan sa gamit, so inilipat siya nila mama, nanay (lola ko na asawa ni tatay) at saka tita ko, sumama na rin ako sa paglipat kay tatay.
Sa ospital na pinagdalhan kay tatay (di ko na babanggitin yung ospital) pero somewhere in Manila haha!  ako at si nanay ang nagbantay kay tatay, since busy si mama at sila tita (kase that time nag muna stop ako sa pag aaral dahil may sakit ako sa puso.) since ang room na kinuha nila tita ay private room pde ang dalawa hanggang tatlo ang bantay, bali nasa 5th floor ang kwarto ni tatay, Suit F ang name ng  kwarto namin, ang set up ng room, pagpasok mo ng pinto may makikita mo sa left side ang pintuan ng banyo, then hallway ppntang bed sofa at bed ni tatay, fully airconditioned ang room na yun, may ref din, television,  kaya nga enjoy ako mag bantay eh, pero dun ko pala mararanasan sa ospital na yun ang kababalaghan.
Si nanay kase napaka duwag na tao, opo duwag sya as in matatakutin, di pa nakaka kita ng multo un sa buong buhay nya ah, eh si tatay that time naman naging isip bata, dahil yung left brain nya ang naapektuhan nung may pumutok na ugat sa utak nya, naging isip bata siya, may mga times na ang sariwa sa memory nya eh noong binata pa sya, then one time tatlo kaming bantay, may sinabi si tatay na kinilabutan kame!
Tatay: Oh kaninong kamay to? (nakatingin sa kaliwa nyang kamay)
Tita: Kamay mo tay! kaliwang kamay mo. (siguro di nya na talaga nararamdaman kasi ung kaliwang bahagi ng katawan nya ay deads nga raw)
Tatay: Wala na akong kaliwang kamay! putol na, naiwan sa morgue! (feeling ko yun ung napanaginipan ni tatay nung na comatose sya?) ayan oh kulay kahoy na yung kamay!
Nagkatinginan na lang kami nila tita.
2nd time naman na nag salita nung weird si tatay, tinawag nyang Alejandro yung tito ko which is son in law nya, asawa ng tita ko yun tianwag nyang Alejandro, (si Alejandro pala mga bes bunsong kapatid na lalake ng lolo ko na matagal nang patay!)
Tatay: Oh Alejandro! nandito ka na naman!?? susunduin mo na ba ko?
Tito: Di pa koya! eh mag iinuman pa nga tayo diba? (sinakyan na lang ni tito si tatay, mahilig kasi uminom yun si tatay)
3rd time namn eh nung ako na ang pinag sabihan nya ng weird. Bale kasi ung kisame ng kwarto ng ospital ni tatay, ung bandang pinto ng cr, may square na butas pero ilaw ang nakalagay sa doon sa butas na square, parang design yata nung ilaw ganern, kilala ako ni tatay, tinawag nya ko sa pangalan ko, sabi nya.... Kisses! may itim na pusa na kasing laki mo ang tatalon sa likod mo oh! (sabay turo dun sa square na ilaw doon daw mang gagaling ang pusang itim na tatalon), eh dahil nga tong si nanay matatakutin aba nag hesterical ang lola nyo! nagtawag ng nurse, at lahat ata ng santo tianwag, syempre bata ako, nataranta na din ako! sabi ko SAAN TAY?? jusko nagulantang ako lalo nung sinabi nya, ayan na nasa likod mo na nakapasan sayo! ay jeskelerd mga bes! kinilabatutan talga aketch! Edi nataranta na din ang doctor at nurse akala ano nang yayare sa Suit F! pag pasok ng mga nurse nag hanap naman sila ng pusa, HAHA medjo LT! pero paliwanag ng doctor nag hahallucinate daw si tatay, minsan may auditory hallucination din daw sya, may naririnig na kung ano ano, pero nagdaan ang mga araw nasanay na kami sa mga snasabi na weird ni tatay, at yung pusang itim, lagi nya sinasabi na nakatingin sa kanya!

2 weeks po na confine si tatay sa ospital na yun, marami pa akong naranasan na kababalaghan sa loob ng two weeks na pag iistay ko dun! well akala ko masaya! oo masaya kasi nakakasama ko si tatay, pero gusto ko na talga umuwi that time kase sunod sunod na kababalaghan talga ang nangyare sakin sa ospita na yun, hanggang dito na lang muna mga bes, pagod na ako! hehe wait na lang muna sa part 2 if ever gusto nyo pa.

-may narinig na ako noon sa radio na sabi ng paranormal expert na ang mga kaluluwa daw talga ay madalas mag stay sa ospital kesa sementeryo.

-Kisses

Kisses
Manila

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon