Christmas Dream

509 2 1
                                        


Hi. Silent reader po ako dito. I'm 15years old. Di naman nakakatakot yung story ko nato, pero nagtataka lang kasi ako tungkol sa panaginip ko.

December 25, 2016. 3:25am, natulog na ko kasi inantok na talaga ako ng sobra then yun na nga tuluyan na kong nakatulog. Sa panaginip ko lumipat na daw ako ng ibang school, yung nasa classroom na ko tinabihan ako nung isang kong classmate na babae, usap lang kami ng usap na para bang close na close na kami, maya maya dumating na yung classmate namin na lalaki lahat ng babae na madadaanan nya at lahat ng babae sa room namin eh parang baliw na baliw sakanya pati yung kausap ko parang nawala na sa sarili, yung mga  classmate kong lalaki inis inis sakanya kasi lahat ng babae sa room namin sakanya lang nakatingin, parang ako lang yung hindi natatablan ng karisma ni kuya, napabulong pa ko ng *hindi naman gwapo* kasi di naman ako nagwagwapohan sakanya, then nung palapit sya sakin nagtakip ako ng mukha kasi nahiya ako, tas nung nasa harap ko na sya tinanggal ko na ung takip sa mukha ko tapos tinanong nya ko ng tinanong tas sabi nya pa na sana ako nalang daw yung muse nila sana ako nalang daw yung pinanlalaban sa mga contest sa school nila, so kinilig naman yung lola mo HAHAHA maya maya dumating nayung teacher namin sabi nila yun daw yung pinakamatapang na teacher doon sa school nayun, so ayun pag pasok nung teacher na yon galit na galit sya pero nung lumapit sya saken parang sobrang bait nya diko alam bakit tas parang close na close ko na rin yung teacher na yon tas usap kami ng usap tas nakatitig naman sakin yung lalaki na kausap ko kanina yung *hearthrob kuno sa school na yon* tas bigla akong nagising sa pagising ko para akong nanghihinayang ni hindi ko manlang natanong ang pangalan nung tatlong taong nasa panaginip ko pero para bang ang gaan gaan ng loob ko sakanila.

Yun lang skl yung story ko haha ang creepy kase diko naman sila kilala pero bakit nasa panaginip ko sila. Sana mapost po ito thankyou :)

Jelai
Davao

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon