Carolina and friends

604 8 1
                                    


Hello. This story is from Samar. Si lola itang, nakakapunta siya sa mundo ng mga engkanto. One time, meron daw siyang nakitang kotse sa harap ng bahay namin (bukid yon and it was 1960's or 1970's) sobrang kintab daw nung kotse then may lumabas daw na poging lalaki, sinasama siya sa bahay nila, eto si lola ko sumama din. Then nung pagdating dun inalok daw si lola ng pagkaing itim pero bago daw kainin ni lola yun dapat daw tanggalin niya muna yung bagay na nasa likod niya, e di naman maabot ni lola so hindi niya nalang kinain. Tapos kwento ni mama sa amin, alam daw ni lola yung istura ng mga bahay ng engkanto (puno) na madadaanan nila. And nakilala na daw niya si carolina. One time nakita ni mama si lola na natutulog dun sa kubo, nagtataka daw siya kasi sobrang straight yung body ni lola and nakalagay yung dalawang kamay niya sa bandang tiyan, di nalang niya pinansin yun. Nung nagising daw si lola nakita niya yung panty niya nakatupi na tsaka bagong laba na, yun pala nirape siya ng engkanto. Si lola, nagkaanak din siya sa engkanto, 3 pa nga e. Naabutan ni mama yung isang anak ni lola, naalagaan niya pa daw. Sobrang ganda daw nung mga anak ni lola sa engkanto hindi mukhang pilipino. Tapos mga wala daw hati sa taas ng labi tapos yung isa may bakat ng piso sa dila, yung isa naman daw kamukha ni sto. Nino. Sad lang kasi kinuha nila si lola. Nung namatay si lola mukha siyang unggoy. Literal. Yun pala pinalitan nila yung katawan ni lola :(

Marcial
Samar but living in San Juan.

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon