April, this year, nagpunta kami ng Pangasinan. I won't tell where exactly in Pangasinan. Syempre, bakasyon, ang saya saya namin don. 3 days kaming nandun at sa bahay ng lola ko kami tumira, bahay ng kapatid ng asawa ng lola ko, so bale kapatid ng lolo ko sa mother's side. Ang sarap ng pagkain, yung tatlong araw na yun, palagi kaming pumupunta sa beach. Walking distance lang naman at libre kami dun. Tapos nung hapon ng 3rd day namin dun kami umuwi. Nung unang araw simula nung nakauwi na kami sa Bulacan, ang sama ng pakiramdam ko at ang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. Yung mga kasama ko naman sa Pangasinan hindi nagkaganun. Nagtataka ako kung bakit ako lang ang nagkaganun. Sabi naman ni mama, baka nalamigan lang daw yung likod ko. Yung upper body ko talaga ang masakit at yung ulo ko, tas ang taas pa ng lagnat ko. Dalawang araw na akong hindi nakapasok sa school, at saka nagsabi si lola na ipahilot na nga ako.
Then ayun nga, nung pagdating ng manghihilot sa bahay namin, nakatingin lang ako sa kanya kase nun, then parang mejo nagulat siya. Mejo lumaki yung mata niya at sinimulan na niya agad yung panghihilot sakin. Ginawa niya yung ritual nila sa plato, basta something na parang sinusunog yung likod nung plato then nung pinakita niya sa akin yung plate, tinanong niya ako. Sabi niya "Iha, ano ba yung nakikita mo dito?" then yung nakita ko nga, may parang tatlong shadow ng tao. Yung isa mahaba buhok, tapos may short hair tapos may lalaki. Sinabi ko nga na yun yung nakikita ko. Alam niyo ba yung sunod niyang sinabi?
Ito: "Yung tatlong iyan ay mga matatanda. At nakasampa sila sa balikat mo." Nung una hindi pa ako naniwala kaso, nagkwento si lola samin. Sabi niya nangyari na rin daw to kay mama nung bata pa sila. Ganito rin nangyari kay mama kaya sinabi na niya na ipahilot na ako. Yung isa daw dun great great lola namin, then yung isa si lolo Ago, great lolo ko, then yung isang lola ay si lola Maring. Ayun, tinawagan nila yung mga tita ko sa Pangasinan na mag alay ng kandila at food. At after 2 days, wala na yung sakit ko.
Hindi ko akalain na magkakaganun ako. At ngayon naexperience ko na. Huhu. Parang shutter lang yung nangyari saken. R.I.P sa mga lola at lolo ko, we love you po.
-dejk-
