Blk 47 lt 13 bonifacio st. melody plains BLCN

885 15 0
                                    


Hi spookify. Im eLyk and first time kong magsend dto. Gusto ko sanang ishare tong kakaibang naexperience namin sa nalipatang bahay namin sa BLC(kyo na bhala magdecode)after reading this try nyo ivisit bahay nmin. Nsa title ung address.
(Mahaba po to sana maenjoy nyo)
So eto po.
Year 2006 po nung nagpasyang lumipat kami sa BLC. Actually sa north fairview kmi that time pro lumipat nalang kami pra makasigurado if ever mag demolished sa lugar nmin.. so..nung unang lipat namin dun sa bahay nayun ay ok na ok naman po. Wlang kakaiba. MASAYA.
Kaso..... Year 2009 . 9yrs old ako nung taon na yun. Naglalaro kmi ng kapatid ko sa may 2nd floor ng tagu-taguan. Ako ang taya nung larong yun. Habang ang kapatid ko nama'y abala sa pagtago.
""Pagbilang kong sampu nakatago na kayo. 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10 GAME!"" At sinimulan ko ng maghanap sa aking nagttagong kapatid.. inuna ko ang kwarto naming magkapatid. Ang attic. Balkon. Ngunit wala sya duon... kaya nagpasya akong pumunta sa kwarto ng aking magulang. Pagbukas na pagbukas ko duon ay bumungad saakin ang kanilang Kama,T.v at iba pang appliances. At habang busy ako sa kakahanap kay lechor. Napatingin ako sa aming Lagayan ng speaker. Sa baba nun ay may espasyo na kung saan ay makikita mo kung may paa dito o may tao bang nagtatago.. PERO IBA ANG NAKITA KO.
Hindi makapaniwala ang mga mata ko sa nakita ko..
NAPAKAKINIS, KUMIKINTAB, NAPAKAPUTI.
  Yung tipong akala mo ginto ang nakikita mo pero paa ito. Oo PAA ang nakita ko. At sa tingin ko?? Paa ito ng babae BATANG BABAE!!... At sa pagkakatanda ko sa nangyare. Pabiro kong nilapitan ang paa sa pagkakaakalang sa kapatid ko ito.
""Lechor,*tumatawa* Kala mo haa!!""
""BOOM LECHOR!!!""
ngunit mayroong tumawa galing sa ilalim ng kama nila papa.napatingin ako sa tumatawang babaeng ito. At ang kapatid ko ito Sabi nya ""HAHAHA KUYA TETABOOM KA! KAW ULIT TAYA"" ...........
NANGINIG AKO. BIGLA NALANG AKONG KINILABUTAN
Diko alam kung iiyak bako nun o ano. Basta ang naalala kong ngawa ko nun ay tumakbo pababa. Dahil sa aking nakita. Isinabi ko ito kila papa.pero hnde sila naniniwala... napaisip nlng ako na baka nga GUNI GUNI ko lang yun..
PERO. Patikim plang pla un.....
Year 2010(not sure kung anong bwan yun)i think it was 9pm .nagbabad ako ng mga damit kong pangpasok nun. Ang kapatid ko nman ay nasa c.r nLiligo. Kaming dlawa lang nung GABI na yun. Inaantay namin si papa na makauwi. Kya pra iwas takot. Nagpatugtog ako at nilakasan ko un ng sobra. Kse sbi ng nakakatanda nkakataboy daw yun ng msasamang spirits... PERO...
Unti Unting humihina yung tugtog. Na para bang may nagpapahina sa may speaker namin.. Hindi ko ito pinansin.. ng biglang..
*dugg! Dugggg! Dugg! duggg!*
Sobrang bigat ng paang nririnig ko sa aming hagdanan. At pababa ito papunta saamin... Nanlalamig ang kamay ko't pawis. Ngunit pag talikod ko. Ay wala na ito.. ang sounds nman ay naging normal nalang bigla na para bang walang kakaibang nangyare. At sa pagkakataon na yun ay sinabi ko na talaga saaking magulang ang mga pangyayare. Pero parang isang batang gumagawa ng kwento lang ang tingin nila saakin. Nasobrahan nanaman daw ako sa Horror movies. At dun ako lalong nainis dahil hindi manlang nila ako pinaniniwalaan.
Naulit nanaman ang pangyayareng ito nuong nanonood kami ng kapatid ko sa aming sala ng Mr.bean na cartoons. Duon kami sa part na inilalagay ni mr.bean ung Delatang tuna sa may microwave. At habang ntatawa kami sa panonood ng aming kapatid ay bigla naman itong napalitan ng takot ng biglang..
*duggg dugggg duggg duggg dugdugdug* may narinig kaming FOOTSTEPS sa 2nd floor. Nung una'y aakalain mong nagiingat itong hindi namin marinig. Pero sobrang bigat talaga ng mga yapak nya. At pagdating ng mga tunog ng yapak nya sa aming hagdan. Dali dali itong TUMAKBO pababa... nagtinginan kami ni lechor. Takot na takot siya . Kitang kita sa mga mata niya iyon.
""Kuya narinig moba un?""
""Ha?? Ang alin??""Ang pagmamaang maangan kong sagot.
""Wala""....

Spookify. Hanggang dito nalang muna ang masshare ko.may kasunod pa ito.. Salamat sa mga nagbasa. Thanks spookify. 

eLyK
Bulacan/Bicol

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon