PANAGINIP

830 16 0
                                        


Gusto ko lang sanang ishare yung napaginipan ko

Nanaginip ako noon, nasa palayan daw kami ng pamilya ko. Maraming tao at makulimlim. Nang biglang may napakalaki at nakakatakot na alon na pabagsak sa amin. Nagkagulo at nagtakbuhan pero dahil sa sobrang laki ng alon ay walang nakaligtas sa pagtakas. Hinanap ko si mama at salamat naman ay magkasama pa rin kami. Ngunit sobrang lalim ng tubig kung kaya't nahihirapan kaming lumangoy.

Naputol doon ang panaginip ko at napalitan sa scene na dumating na daw ang Panginoong Hesu Kristo hindi ko alam kung anong mararamdan dun sa scene na yun kasi nakakamangha talaga yung pagdating niya at pag titingnan mo siya napaka aliwalas ng mukha niya. Hindi ko na masyadong matandaan lahat ng details sa panaginip ko pero unang nakapila ang mga bata kay Jesus at kinakausap nya ang mga ito habang nakangiti pagkatapos kausapin ay yayakapin niya yung mga bata. Nang ako na ang sumunod ay ganun din ang ginawa niya sakin kinakausap at nakangiti at ako'y yinakap niya rin. Naputol na dun yung panaginip ko at nung paggising ko hindi ako makapaniwala. Oo aaminin ko natakot ako kasi imagine nanaginip ka na end of the world na. Pero masaya din kasi kahit na sa panaginip lang ay nakita at nakausap ko ang Panginoon.

Ang weird lang din. Kasi napanaginipan ko yun noong December 31, 2015.

ADP
Pampanga

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon