January 28, 2017

918 15 1
                                        


Hi Spookifiers! Isa ko sa libo-libong fan ng page na to. Simula nang nagdorm ako dito sa Taguig eh, libangan ko ng magbasa ng mga horror stories na naibabahagi dito gabi-gabi pag-uwi ko sa dorm. Sana maipost agad tong ishe-share ko kasi mainit-init pa to, as in nangyare lang kanina.

Simulan ko na ang kwento. Itago niyo na lang ako sa pangalang "Renz", nagwo-work ako sa all-day dining buffet sa isang sikat na 5-star hotel dito sa Taguig. Hindi naman to yung kwentong sobrang nakakatakot pero sobra kong kinabahan at nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang sinabi ni Niño (Guest namin for tonight). Nang maupo siya kasama si Michelle (Ang kanyang asawa/nobya) agad ko silang pinagsilbihan at inasikaso. Kakaupo pa lang nila'y agad-agad na ako tinanong ni Niño kung nagmomotorsiklo daw ako. Bigla akong nagulat sa tanong dahil di pangkaraniwang tanong iyon ng guest, kaya agad akong nagtaka lalo't di ako nagmomotorsiklo. At sinagot ko naman na hindi ako marunong magmotor at wala pa akong balak magkaroon nun, sinagot ko na lamang siya ng pabiro. Napakabait at napakasarap nilang kausap pareho kaya't gumaan agad ang loob ko sa kanila.

Maya-maya'y nang napadaan ako malapit sa table nila ay biglang nagtaas ng kamay si Niño na parang may importanteng sasabihin. Nang lumapit ako sa kanya'y di niya na napigilan at diniretso niya na ako at sinabing "Mag-ingat ka sa motorsiklo, 3 months from now. October 28 ngayon diba? Sa January 28, 2017, mag-iingat ka!" Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko at parang bigla akong nanghina sa narinig kong iyon. Kasi parang di lang mild injury ang mangyayari saken habang tinitingnan ko siya sa mata niya habang nagsasalita. It was my first time to encounter a person just like him and has an ability to see the future. I'm not a gullible person pero habang sinasabi niya talaga yun, parang naramdaman ko na totoo. Kinakabahan talaga ako. Lalo na't 2nd year highschool ako nung masagasaan ako ng isang tricycle. And even now, kahit pag tumatawid talaga ako, motorsiklo ang parang gustong lumapit at sumagasa sa akin.

Ngunit gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa literal na "Mystery guest" na iyon. Isang kakila-kilabot at kakaibang experience ang nangyari ng gabing iyon.

Renz The Hotelier

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon