"Tapos na ang alas 3 na misa. Biyernes santo noon. Patay ang Diyos sa nga sandaling iyon. Kaya nga pinagbabawal tayong gumala-gala pag biyernes santo kasi naglalabasan ang mga not like ours sa araw na yon pagkat kakamatay lang ni Jesus.Gabi nun. Mga 6-7 last 2010. Dun pa rin sa apartment namin sa Zamboanga. Tumambay muna ako sa jeep ng kapitbahay namin kasama mga kaibigan ko. Naguusap-usap kami nang biglang may dalawang sundalo pero nakasibilyan sila that time na lumapit sa amin.
'Mga bata, nakita yung magandang chicks na dumaan?'
Sabi namin hindi. Wala naman kaming napansin.
Nagkatinginan ang dalawang sundalo at halatang medyo kinabahan. Nagpatuloy ang kwento nila sa amin.
Nandun sila sa isang tindahan sa unahan na mga apartment, may bibilhin sana sila kaso napansin nila ang kakaibang amoy. Amoy bulaklak. Mabango daw masyado. Lumingon sila at nakita nila ang issng babaeng maputi. Nakaitim. mahaba ang buhok at shiny. Ito namang mga lalaking ito sinundan nils yung babae aakmang magpakilala sana. Tinatawag nila yung babae pero di daw sumasagot at nagpatuloy sa paglalakad. Napansin nga namin yung dalawang sundalong iyon pero di naman matandaan na may dumaang magandang babae sa harap. Nung doon na daw sila sa may lighthouse sa harap ng mosque (medyo madilim na dun) bigla na lang nawala yung babae. Nagtaka sila at kinilabutan. Dali-dali silang bumalik dahil sa kaba. Kaya pumunta sila sa amin at nagtanong kung may nakita ba daw kami.
Wala. Kaya matapos nun. Bumalik na kami sa kaniya-kaniyang mga bahay. "
Min
Davao
