Sana po mapost to admin. Hindi to gawa gawa ko lang kundi totoo to. Hanggang ngayon nararanasan ko parin. Salamat po in advance
Anak ako ng pastor at iniisip ko parin haanggang ngayon ang nangyayari sakin. Hindi ito tungkol sa multo, engkanto o kahit na ano pa. Hindi rin ako naniniwala dun pero si mama naniniwala. Simula dati hanggang ngayon, meron akong panaginip na parang nagsasabi kung ano ang mangyayari sakin. Last time, 2nd year ako nun(grade 11 nako ngayon) nanaginip ako tungkol sa ahas. Kinagat daw ako sa kanang kamay ko tapos sakto may lalaki daw na marunong manggamot kaya ginamot nya yung kamay ko na kinagat ng ahas at gumaling naman. Kinaumagahan tinanong ko sila papa about dun sa panaginip ko nayun tapos sabi nila meron daw tao na ayaw sa akin. Una hindi ako naniwala kasi mabait naman akong tao pero pinilit ko nalang sarili ko na tama nga sila. Ilang linggo ang lumipas, naglalaro ako ng basketball at yun ang araw na nabalian ako ng buto sa kanang kamay ko. At dun pumasok sa isip ko na baka yun nga ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip ko. At ngayon nakakaranas parin ako pero ibang klaseng panaginip. Alam nyo yung tipong gising na gising ka tapos malalaman mo nalang bigla na nakatulog ka? Ayan yung nararanas ko last year. 4th year ako nun tapos 4th grading na kaya kampante ako na pasado nako kaya tulog nalang ako ng tulog sa likod. One time, merong discussion si maam na ginagawa sa harapan. Ako naman, wala talaga akong balak matulog nun kasi kailangan na kailangan namin yung discussion nayun lalo na kung math pa. High na high ako nun (hindi high sa droga) at alam kong malakas tama ko nung araw nayun tapos bigla nalang akong nagising. Yung tipong parang bagong gising talaga. Nagising ako kasi tinatawag ni maam yung name ko, pinatayo nya ako at pinasagot sa chalkboard. Alam nyo yung feeling na parang nangyari na sayo? Nakatitig ako nun sa blackboard kasi feeling ko talaga parang nangyari na sakin tsaka iniisip ko kung bakit ako nakatulog nun. Yung salita ni maam, yung tawanan ng mga kaklase ko parang umulit lang at hanggang ngayon nararanasan ko parin.
Kaba or takot, lahat tayo nakakaranas nyan pero meron akong kaba na hindi talaga sya pangkaraniwan. Minsan ipinagppray ko nalang kay lord na alisin na yung kaba na yun pero hindi parin. Ganito yun, dati kasama ko mga kaibigan ko, gumagala kami. Habang naglalakad kami bigla nalang akong nakaramdam ng kaba, yung ang lakas at bilis ng tibok pero binalewala ko parin. Nagpatuloy lang kami hanggang sa may mga tambay na nadaanan namin tapos pinagtripan kami kaya ayun kanya kanyang takbuhan. Pero hindi lang yun. Exam namin nun, pang umaga kami kaya tanghali uwian namin. Napagusapan namin na maglaro ng crossfire sa lugar ng kaklase ko. Nung pagkasabi palang na baka gabihin kami ng uwi kasi magbabasketball pa daw muna, kinabahan agad ako. Ganun paring klaseng kaba naramdaman ko pero diko parin pinansin. Uwian na namin, diretso agad sa lugar ng kaklase ko at laro agad ng computer. Habang naglalaro ako, kinabahan na naman ako ulit. Diko parin pinansin. Hanggang sa naglalaro na kami ng basketball nun kahit bali na yung kamay ko nilalaro ko parin, bigla ulit akong nakaramdam ng kaba. Yung kaba na doble na kumpara sa nauna. Dun nako nagpaalam sa mga kaibigan ko at nauna ng umuwi. Kinabukasan, nalaman ko nalang na naholdap yung mga kaibigan ko tinutukan daw sila ng baril. Pati yung araw na nabalian ako ng buto, nakaramdam din ako ng kaba. At hanggang ngayon,nararamdaman ko parin ang kaba nayun.
-- Sorry kung mahaba at hindi nakakatakot, gusto ko lang ibahagi. At kung mapost man to, ishishare ko yung napagdaanan ni mama tungkol dun sa mga maiitim na tao. Totoo po talagal to, maniwala kayo
Pastor's Kid
Caloocan City
