Sorry po masyadong mahaba to, sana po matapos nyo po hanggang dulo. Enjoy reading spookify readers.Sabi ng iba walang multo, di totoo ito, tayo lang daw ang gumagawa ng paraan para maisip natin sila. At ang sabi naman ng iba totoo ito, sapagkat may dahilan kung bakit nananatili pa ang kanilang mga kaluluwa dito.
Pero ako OO naniniwala ako sa mga multo. Simula mga bata pa tayo hanggang ngayon may multong nagmamasid sa atin, ngunit iba iba nga lang, may masama at meron din namang mababait lamang. Sa aking anim na taon sa elementarya ako'y nabalot ng takot at kaba, dahil sa paaralan namin di ko masasabing totoong paaralan nga ba ito o nakapasok na ako sa lugar nila. At ngayon ako na ay nasa grade 8, muli kong babalikan ang nakaraan.March 2013 (Di ko alam yung exact date) 2:16 na ng hapon at bumalik na ako ng school para magpractice ng aming kakantahin sa misa, choir member kasi ako. Dapat papasok ako ng mga 3:00 kasi tinatamad ako tsaka nakasanayan ko ng laging malate. Back to the topic, pumunta na ako at inakyat ko pa talaga hanggang 5th floor, nasa 5th floor kasi kami nagpapractice dahil nandun yung faculty ng choir adviser namin pero iba yung pinagpapractisan namin. Kundi dun sa may pinakadulong room na katapat lamang ng cr namin. Habang umaakyat ako, bigla na lang ako nanlamig at napabagal ang aking pag akyat. May nararamdaman kasi akong di maganda at naisip ko bigla yung mga kasama ko kung may nangyayaring masama na dun. At sa wakas narating ko na din yung 5th floor na parang bundok hays, magpapahinga sana ako ng saglit pero binungad agad ako ng aking mga kasama kasi daw nagdadabog at umiyak daw yung isang naming lalaki kasamahan. Well crush ko siya dati pero di na ngayon, malamang kailangan ko ng insipirasyon sa pag aaral lalo na sa pagkanta.
Di ko na siya naabutan na nagdadabog pero umiiyak na lang siya. Ewan ko ba kung bakit iniwan to ng mga kasama ko, wala namang multo sa room na to e hmm. Kinausap ko yung iba kung ano yung dahilan ng pag iyak nito, binasted pala siya ng nililigawan nya. Koya kung ako lang niligawan mo edi sana di ka na iiyak ng ganyan. Iniwan ako ng mga kasama ko at kaming 2 na lang yung nasa room, ako na ang lumapit dito kasi ako lang naman yung taong magpapakalma sa kanya at titigil na sa pag iyak. Pero himala di pa rin sya kumalma nung ako ang nagpatahan sa kanya, may naramdaman na akong mali. Bat bukas yung cr dito e kanina nga lang hindi bukas. Napag isipan ko ng umalis pero ang balak ko talaga papakiramdam ko na lang kung titigil siya o hindi. Nung nasa labas na ako, nasa pinto pa din ako, tintingnan ko kung aawat na siya sa pagdadrama niya.
Pero sa hindi inaasahan may nakita akong anino na malaki at napakalikot nito. Kinabahan ako kaya binuksan ko yung pinto para yayain na yung lalaki kong kasamahan, pero nagtaka ako ng nakalock ito kahit sira naman yung doorknob. At yung anino nagtransform na hindi ko maexplain kung ano siya, basta maitim na may laman, ni kahit isa wala kang makikitang bakas ng mukha o kahit ano man. Sa sobrang kaba ko pinakita ko na to sa isa naming kasamahan, paano ba naman kasi yung lahat ng member ng choir nakaupo na para bang natrauma na naduduwag!sinabi ko sa kasamahan kong isa
me: nakita mo ba yun! magsalita ka nakita mo ba yun!
siya: a...no wala naman ha! baliw ka ba,sige na bye!(natatakot na siya)
ako nakakita tas siya hindi! napamura na lang ako,habang yung lalaki kong kasamahan nakayuko at umiiyak pa din,hanggang sa yung itim na may laman na nakita ko nagtransform siya sa pagiging black na madre na walang mukha o kahit kamay at paa,at sa wakas nagpakita na siya ng mukha,ng makita ko ang mukha nya madre tlaga siya pero as in all black siya,tiningnan niya yung lalaki sa loob at huli ay ako at nginitian ako,na para bang pinapahiwatig niya na papatayin niya kami isaisa,hanggang sa nawala na siya at sakto nabuksan ko na yung pinto pero biglang nag walk out yung lalaki naming kasamahan.Ang tagal naman ng adviser namin kaya napagisipan kong pumunta sa cr at dumiresto sa guidance kasi nandun yung nagtuturo sa akin sa news writing,yes news writer din po ako pero di pa masyadong magaling,nung nag cr na ako,akala ko may tao kasi may umiiyak ng makita ko yung anino na parang kanina lang,di ko alam yung gagawin ko,sibukan kong sumigaw pero hindi bumubuka yung bibig ko,parang pinipigilan akong humingi ng tulong,ang bilis ng tibok ng puso ko kasi ako lang yung tao sa cr na yun,pero sa oras na yun nagdasal ako at hindi kon nakuhang umiyak at manghina,once na manghina ka or madadala ka ng emotions mo,siguradong magpaparamdam talaga sayo ang mga multo,ng marinig kong wala ng umiiyak at saktong wala na din ang anino naglakad at lumabas ako na para bang walang nangyari,dumiresto na ako sa guidance kasi magpapractice pa kami journalism,habang nagsusulat ako bigla akong napatanong sa adviser kong nagtuturo sa akin kung may nakita na ba siyang anino na malaki dun,and yes kwinento niya sa akin na meron talaga dun,pero nagtaka siya kasi bat ako lang daw ang nakakita nyun,yung adviser ko nyun may third eye,hindi ko din alam kung bat nakita ko din yung nakikita niya,di ko naman agad masasabi na may third eye ako kasi baka may dahilan kung bat sila nagpaparamdam sa buhay ko at sa buhay ng iba.grade 6 ako ng maexperience ko to,grade 6 ko lang din nalaman kung kailan nasunog to mga 1990's,and nalaman ko din kung ano ito simula ng gawin tong school na to,marami na daw napatayo dito pero naging creepy ng marinig kong "naging pinakauna itong cemetery sa makati"At tinawag na itong south cemetery nung nilipat na siya between makati and manila.So ito na nga yung cemetery sa manila na tawag ay "Manila South Cemetery" nilipat ang mga kabaong patungo sa south,syempre may mga ilang kabaong na hindi nilipat at nadaganan na lang ng mga buhangin ito hanggang sa naging paaralan ito,Masakit isipin bat pa ililipat ang mga nananahimik na kabaong,o sabihin natin bakit ginulo pa ang lugar kung san nananahimik na ang mga kaluluwa nila,kung san mapayapa na sila.Sa ating mundo hindi mawawala ang multo, aswang o ang ibang nilalang. Sila'y nagmamasid lamang sa atin, at tandaan di lahat ng multo o kahit ano man yan ay masasama, may mga mababait pa din. Wag sana tayong pangunahan ng takot dahil ang iba nagkakamit lamang ng hustisya at katahimikan yan . Matutulungan natin sila sa paraan ng pagdadasal, nawa'y makamit nila ang hustisya na gusto nilang makuha at sana matahimik na sila. Sa mga oras na magpapakita sila sayo o sa atin wag tayong pangunahan ng takot, wag tayong kabahan. Lakasan at tatagan ang sarili pero ang wag nating kalimutan ang pagdadasal upang tayo ay protektahan at ilayo sa kanila.
P.S: Marami pa po akong nakakatakot na karanasan sa aking paaralan dati,Staka ano po ba yung meaning kapag nakapikit na nga yung mga mata mo tapos parang may humihilo sayo,para bang pinipinigalan kang makatulog?thank you :))
screen name: kendall