Nangungupahan po kami dito sa q.c as in palipat lipat na kami ng bahay iba't ibang lugar at iba't ibang klase ng tao yung makikilala mo, eto nga kakalipat lang namin ng bahay mga May 2013 di namin alam kung ano history talaga nung bahay.
Ako si mama at dalawa kong kapatid na babae nga pala tatlo kmi puro babae panganay ako.
Tas may inampon si mama na tiga bohol na babae bale parang kasambahay na din namin, nung time na yun nagtatrabaho ako sa isang fast food chain gina gabi na ko lagi ng uwi tas yung dalawa kong kapatid college student pa nun..
Isang gabi mga 11 p.m na ata ako nakauwi tulog na ung dalawa kong kapatid tas si mama pumasok na pang gabi kasi sya, nagbukas sakin si ate bar ung ampon ni mama, nanonood pa sya ng t.v nun sa sofa bago ako magbihis nagpunta muna ko sa kusina para tignan kung anung pagkain kaso tinamad nko kumain , sakto natulog na si ate bar at ako naman ang pumwesto sa sofa para manuod at dalawin ng antok, yun na nga inaantok nko mga bandang 1a.m pinatay ko na yung t.v dina rin ako nagpalit ng damit pang tulog..
Nasa kalagitnaan nako ng pagtulog ewan ko bat nagising ako bigla, mula sa sofa tanaw ko na may nakatayo sa kusina anino ng matanda sa likod ng kurtina namin , isang matandang lalaki at parang nakamasid lamang sya sa aming mga natutulog, akala ko nananaginip lang ako kaya diko pinansin pero nagdasal ako sa kung ano man ang nakita ko.
Bandang 3 to 4 a.m na ata yun naalimpungatan nanaman ako dahil may humihimas sa ulo ko akala ko dumating na si mama o kapatid ko lang na nagising pero wala akong nakita napabalikwas pa ako sa pag kakahiga ko dun nako kinilabutan parang may iba talaga sa bahay na nilipatan namin, di muna ako nagkwento dahil matatakutin din mga kasama ko.
Eto pa day off ko so napag desisyunan ko tumambay muna sa bahay ng kaibigan ko katabing bahay lang namin si ella mga bandang 10 na ng gabi ng mapagdesisyunan kong umuwi na kasi walang kasama yung dalawa sa bahay umalis pa naman si ate bar then ayun papasok nako ng gate pag hakbang ko sa gutter may humawak sa paa ko malamig at kitang kita ko talaga kamay na maputi at malapad sobrang lapat nya sa paa ko nung una di ako natakot medyo nagulat lang kasi expected ko kapatid ko lang un na pinagtitripan ako.
Hala pag bukas ko ng gate walang katao tao sobrang tahimik at tanging tunog lang ng mga dahon ng local pine tree na nagsasayawan sa hangin ang naririnig ko, biglang lumamig yung pakiramdam ko patakbo ako sa pinto namin dahil sa takot, pag pasok ko mga tulog na sila at nakaalis na si mama naiwang bukas ang t.v,
Diretso agad ako sa kwarto dko na nagawang patayin yung t.v sa takot ko, nag talukbong agad ako ng kumot hanggang sa makatulog ako. Mga bandang 2a.m nagising ako at may nakaupo sa paanan ng higaan ko naka indian sit sya at nakatitig sakin alam mo yung parang binabangungot ka diko maigalaw yung katawan ko tapos nakatingin lang sya sakin at bigla syang ngumiti nakakatakot na ngiti pero dipa rin ako makagalaw, ginawa ko pumikit ako at nagdasal hanggang makatulog.
Kinaumagahan dahil sa puyat ko siguro sa nakita ko kagabi, pag gising ko wala nakong kasama mga bandang 7a.m yun, pumasok na sa school yung mga kapatid ko, kaya ginawa ko dahil closing pa naman ako bumalik ulit ako sa higaan..
Hala dipa ko nakakatulog ng malalim pag ikot ko paharap sa pinto sa gilid may nakpwestong electric fan may nakatayong bata walang mukha at tingin ko blured ung mukha nya may dugo sa pisngi diko mawari kung sugat o dugo na natuyo, nagpikit pikitan ako kunwari pero pag dilat ko nandun pa din sya sa paanan ng fan nakatayo lang at di kumukilos para bang nakatitig lang.
Pumikit ako at nagdasal ulit paulit ulit.. gang sa makatulog ako, nagising nalang ako may kumakatok sa pinto si mama na pala, pero dipa din ako nagkwento. Alam nyo lagi yun kapag maliligo ka panigurado mararamdaman mo may nakatingin sayo kikilabutan ka talaga. Tas napapadalas na yung bangungot ko dun pati si mama ganun na rin babae daw lagi nya napapanaginipan.
Lumipas pa mga ilang buwan may mga ka close na kami na kapit bahay na matagal na dun, at yun nagkwento na sila about sa inuupahan namin.
May namatay pala dun sa mismong nilipatan namin. Babae nagkasakit daw ng malubha sabi naman ng iba nakulam daw. Dun ko napagtanto lahat ng napanaginipan ni mama at mga nakikita at nararamdaman ko.
Yung babae daw may asawa't anak nangungupahan di sila duon dati, hanggang isang araw may dumating na bisita yung babae, matanda na daw lalaki at sabi ng kapitbahay namin hindi daw kamag anak at wala daw talaga silang koneksyon kakilala lang daw ng babae yung matanda naawa sya kaya pinatuloy nya ng ilang araw, kaso nagulat nalang sila bigla daw nagkasakit ung babae ovarian cancer daw. Tas yung matanda nakaaway nya dahil di daw mapahiraman ng pera nung babae. Umaga daw lumabas yung kapitbahay namin, napansin nyang bukas yung pinto nung babae kaya tinawag nya daw pero walang sumasagot, kya pumasok sya para silipin kunv may tao, nagtataka daw sya bukas lahat ang gripo sa banyo sa lababo at mga bintana at pinto bukas pero yung babae tulog.. agad nya daw ginising kasi may kakaiba sa bahay nya, pag gising hinahanap na nya yung matandang lalaki pero wala na umalis na umalis daw na may galit at poot dun sa babae, ilang araw yun naging grabe daw yung sakit nung babae lumaki daw ung tyan namamaga daw ang mga binti at di daw maipaliwanag yung sakit na nararamdaman nya, hanggang sa namatay dun mismo sa tinutulugan kong kwarto dun sya namatay.
Nakulam daw. Natakot ako nun kaya sabi ko kay mama lipat nalang kami pero di kami agad agad nakalipat mahirap kasi maghanap ng paupahan nagtyaga kami ng 3 years dun nasanay na lang kami sa mga paramdam dun, ang importante hindi sila nananakit.
Medyo magulo po ata at di po nakakatakot sana po naenjoy nyo pa din.
Salamat sa pagbabasa please wag nyo po ako ibash respect lang po thanks din sa spookify.
Aki**
Q.c
