"Hi guys! Hindi to ganun ka horror, nabasa ko kasi yung story ni ate na nag swimming sa Bosay, Antipolo (Karga yung title) tapos sinabi niya dun sa p.s. niya na hindi mismong patay yung lolo niya, na nasa kabilang dimension lang.Na alala ko kasi yung kwento ng father ko, na yung lolo ko noon faith healer siya, pinipilahan sa quiapo noong araw. Pero maagang namatay ang lolo, 59 years old lang siya noon. Namatay siya sa heart attack, pangalawang atake na ata sa kanya noon nun. Nung alam niya na malapit na sya atakihin uli, nag habilin siya na pag namatay siya, wag na muna siya ipapa embalsamo dahil babalik daw siya after 3days, naghintay naman sila papa nun, nga lang bago pumangatlong araw sinabihan sila ng funeral service na kailangan na embalsamohin kundi ma aagnas na siya kaya wala na rin sila nagawa.
Kaya ayun hanggang ngayon napapa isip kami, paano kaya kung naghintay sila hanggang 3days? Makakabalik kaya yung lolo ko? Or ngayon, katulad din kaya siya nung lolo ni ate na nasa kabilang dimension lang?
lolita
Manila
