Reincarnation ba talaga o gawa lang ng Imahinasyon?

700 7 1
                                    


Hindi naman nakakatakot 'tong ikwekwento ko,  tungkol lang sa kakaibang nangyayare sakin na gusto ko lang malaman ang sagot. Nuon palang nakakaranas na ako ng Sleep Paralysis, sa isang linggo, apat o minsan limang beses nangyayare sakin at hanggang sa naging normal nalang siya para sakin. Pero meron kakaiba sa mga nakikita ko pag nakakaranas ako ng Sleep Paralysis. Pag pakiramdam ko nagigising ako pero hindi ko magalaw katawan ko, wala akong ginagawa dahil sanay na nga ako, pero pag haharap na ako. Keysa itim na pigura ang makita ko, ay mga tao sa iba't ibang panahon ang nakikita ko, puro sila mga duguan pero ang karamihan sa mga nakikita ko halatang sa panahon ng kastila. Nakatayo lang sila sa harapan ko, at wala akong ginagawa. (Hindi ko alam kung meron bang Diyos at hindi din ako naniniwala na meron Diyos, kaya hindi ako nagdadasal) Hanggang sa nagigising nalang ako kinaumagahan. Meron pagkakataon, pag may ginagawa ako o nagiisip lang, meron biglang mabubuhay sa isipan ko na ala-ala, nasa isa akong palayan, puro palay lang talaga, at parang tumatakbo ako dahil meron humahabol sakin? Palagi nalang bigla mabubuhay sa isipan ko yun, sinubukan ko hanapan na baka siguro sa isang pelikula ko lang napanood, pero hindi talaga. Dahil simula bata palang ako naalala ko na yun. Meron akong isang karanasan sa Sleep Paralyis na naging isang palaisipan sakin, yung babaeng nakapatong na duguan na naka-bestida at mahaba ang buhok pero hindi ko makita ang mukha niya. Hanggang sa nakaranas na ako ng tatlong bangungot, unang bangungot nakikita ko ang mismong sarili na nilalaslasan at sinasaksak ko hanggang sa lumabas ang mga laman-loob ko, At sa pangalawa kong panaginip, napanaginipan ko na yung nasa palayan ako, at hinahabol hanggang nasa isa akong bodega, at meron naglaslas at sinasaksak ako ng isang tao, at sa pangatlong panaginip ko. Nakita ko ang sarili kong nakahiga, tas yung nakapatong na babae pala sakin ay ang mismong ako, dahil kung anong suot ko nung sinasaksak ako, ayun din ang suot ng nakapatong sakin. 

Curious
Manila.

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon