I saw a demon and visited hell (Part 3)

641 13 3
                                        


Hello Spookify. Eto ang part 3 ng storya ko.

Nagising akong masakit ang ulo, dulot ng hangover. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang sandamakmak na text at missed calls na galing kay Krissy. Tinatanong niya ako kung pupunta ba ako sa ZK or kung pumayag na ba ako na sumapi dito. Hindi ko alam ngunit sa isang part ng sarili ko eh gusto kong sumali dito, eto ang nanaig. Tumawag ako sa kanya at nagpaalam na susunod sa ZK pagkatapos maligo at magbihis.

Nagkita kami sa isang coffee shop malapit sa ZK upang magtanggal ng hangover at nag usap.
""Anong nangyari sayo? Uminom ka no?""
""Oo eh nasira utak ko kagabi. Ano ba yun? Impyerno na ba talaga yun? Totoo ba talaga yun?""
""Mahirap paniwalaan Cray pero yes, hell na yun.""

Bali eexplain ko sa inyo sa simpleng paraan yung sinabi ni Krissy.
Ang hell ay nakapart na floors. Ang pinuntahan namin ay ang first floor, dito lang pwede makapunta ang mga taong hindi pa patay ngunit may supernatural powers na kayang gumamit ng ritual para makapunta sa impyerno.

Ang second floor naman ay exclusive lamang para sa mga demonyo.

Ang third floor naman ay katulad ng naririnig natin at nababasa. Dito naman napupunta lahat ng makasalanang tao na jinudge ng Diyos na mapunta sa impyerno. Lahat daw sila dun ay paulit ulit na nasusunog. Lahat ng taong hindi nagrepent kay God ay nandoon. Isa daw na nasusunog ngayon doon ay isang Pope at tama ang balita, nandoon din daw si MJ.

Ang fourth floor naman ay para sa mga mataas na uri ng demonyo kumbaga sa ranggo ng pulis ay mga Generals na.

Walang nasabi sakin si Krissy patungkol sa last floor dahil ang sinabi lang sa kanya ni Kelsorah ay ang lugar na yun ay para lang kay Lucifer.

Naitanong ko din ang tungkol sa ZK. Ang founder daw nila ay nagkaroon ng contact sa isang General na demonyo at nagsimula na ang affiliation ng ZK sa hell. Kaya isa daw kami sa mga may access sa first floor ng hell. Namatay daw ang founder namin sa sobrang curiosity dahil tinangka daw nitong gumawa ng ibat ibang ritual patungkol sa pagpasok sa langit ngunit nasunog lamang ito. Hindi rin alam ng ibang miyembro kung nasan at napano na ito hanggang sa mapalitan at magpatuloy pa rin ang ZK.

Ang leader naman ngayon ng ZK ay ang tanging nakakausap lamang sa mga Generals ng demon patungkol sa mga statistics ng trabaho at iba pa. Hanggang dito na lamang pero sana magustuhan niyo ito. Pero Spookify readers, official member na ko ng ZK.

Next part ay ikekwento ko na ang initiation. At sa mga curious diyan at gustong masagot ang mga tanong nila, magcomment lang kayo except sa locations ng ZK at kung ano ang facebook profile ni Krissy. Thanks.

(A/N: Binigay samin ni Cray ang dummy account nya sa FB. Kami na lang magcontact sa kanya if ever may mga tanong kayo. HINDI po namin yun ibibigay sa kahit na sino kasi yun ang kagustuhan nya. Kung madami ang magtatanong, pipili lang kami ng sa tingin namin ay makabuluhang mga tanong)

Cray

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon