Hi Admin 👋 I just want to share my creepy experience 2 years ago 😊 Pampalipas oras if bored ako. Di kumpleto ang araw ko kung di ako nakakabasa ng stories dito. I don't know if matatakot kayo but I hope you'll like it.
I'm Kath (nickname ko lang). Year 2014 sa province kami nakatira ng mga kapatid ko. Di ko na sasabihin kung bakit kasi hahaba pa to. Tatlo kaming magkakapatid na naninirahan sa bahay ng Lolo at Lola ko. Hindi naman sa kanila talaga yung bahay kasi Tita ko yung nagmamay ari kaya parang sa kanila na 😂 (Nasa abroad yung tita kong yun). One saturday night di ko alam yung exact month and date. Yung tita ko nasa kwarto namen (Bunsong anak nila lola) nag se-cellphone kaya naisipan kong manuod muna. Sakto namang nanonood sina lola at lolo kasama yung kapatid kong bunso. Si kuya naman wala pa kahit 7 PM na. While we're watching TV, may naririnig akong malakas na kwentuhan at tawanan sa labas. Dahil echusera pa ako non, tiningnan ko at baka may gwapo 😂 Pero nang sumilip ako, WALANG TAO O MAGBABARKADA ANG DUMAAN. WALA! Kahit saan ako tumingin wala talaga. Natakot ako kaya sinara ko agad yung bintana.
Pagsara ko eh narinig ko na naman sila at kumakatok sa bintana namin! Sabi ng lolo ko "Wag mong buksan!" Ramdam ko ang gulat ng lolo ko nang sinabi nya yun. Pero naisip ko na bakit may kakatok doon eh takot sila kay Lolo? Kahit sino, walang sino mang makakapangloko dun. Nawala yung mga kumakatok at lumipat sa kabilang bahay (Sa bahay ng kapatid ni Lola). Narinig ko pa nga ang sabi nila na "Umalis kayo. Alis! Alis!" kaya I think multo😷 Nawala na sila. 15 minutes yata ang nakalilipas nang nawala ang antok ng kapatid ko. Pero nagulat kami tawa sya ng tawa at nakikipaglaro sa di namin nakikita (3 y/o pa lang sya). Natatakot kami kasi yung bola na galing kusina eh napunta sa sala 😱 Kaya agad syang kinuha ni lola at sinabing wag sumama dun. "Naglalawo lang naman kami ah!? Gusto ko lawo!" tapos umiyak na yung kapatid ko. Di sya tumigil hanggang sa may malakas na kumatok sa pinto! 4 TIMES NA KATOK! Sabi ko andyan na si Kuya! Buti naman! Kumatok uli. Bigla namang tumawag si kuya sa cp ni Tita. Sabi daw ni Kuya makikitulog na lsng sya sa kaklase nya kaya natakot na naman ako. Sino ba namang kakatok sa bahay eh kapag 7 na ng gabi eh wala ng pagala gala. Pati mga kamag anak namin di na kakatok ng ganung oras at kung may emergency naman eh tatawag na lang sila. At yun na nga di pa rin nawawala yung katok.
At dun ko lang rin naalala na di ko nga pala naisara yung mga bintana sa kwarto nila Lolo. Speaking of bintana nila, biglang sumara ang mga bintana doon. Pero biglaan! Di naman mahangin that time eh! Ilang minuto pa ang tumagal bago nawala iyon. Sa likod naman ng bahay, may pintuan papunta doon. May tinuturo yung kapatid ko at nakita ni Lola na may babaeng madami ang sugat. Agad kong isinara yung pinto dahil sa takot (That time feeling ko ang lakas ko 😂). Tinawag ako ni Tita. Pinapasara nya yung bintana dun! Nainis ako kasi binuksan nya pa! Nang papalapit ako, di ko namalayang tumutulo na ang luha ko. May nakita akong mga batang naglalaro kaya agad kong sinara ang bintana. Pero bago ko maisara eh nakita ko na naman yung babae sa likod bahay. Hinawakan nya ako sa kamay sabay tingin sakin. Kaya tumili ako! Umiiyak habang sumisigaw ng "WWAAAGGGG POOOOO!!! NAAAAYYYYY!!!!! TAAAAYYYY! TULONGGGG ! WHHHHHAAAAA!" Nung time na yun yung tita ko walang ginawa kundi tignan ako. Pero biglang nandilim paningin ko. Nagising ako umaga na. Pinadasalan yung bahay at sabay kaming lahat na nagdasal (Madaming tao nun ah). Simula nun eh wala ng nakakatakot na nangyari sakin.
But hanggang ngayon, I don't know kung anong nangyari sa mga ghost na yun. Nagpepray ako lagi para maging safe 😇
Sorry mahba😂
Kath
