Hi admin sana mapost to! Isa akong silent reader and now naisipan kong ishare ang story pero its not mine kwento lang sa amin ito ng prof naming pulis.
Naikwento lang to ng prof namin samen. Sa rizal po ako nag aaral at isa po akong criminology student. Babae yung prof namin, taga laguna at dun din sya nakaassign so eto na.
May hinuli sila ma'am na isang lalaki for some reasons. Sa pagkakatanda ko dahil ito sa pagkukulto nya, may inalay ata or whatever ganun. So ayun nung nahuli daw yung member ng kulto na yun kinulong nila and after ilang hours parang may nagsisigawan sa kulungan. Nagulat sila nsng makita nila yung mga preso na parang mga basang sisiw sa pawis at nagsisiksikan sa isang sulok. Nagulat din sila nsng makita yung member ng kulto na kinulong nila. Naging ulo ng hayop yung ulo nya. Imaginine nyo nalang yung sa egypt na statues ganun daw. And yun daw. Sabi samin ng prof namin, di porket modern age na eh aasa nalang tayo sa technology baril or kung anuman. Kailangan pa rin nating manalig sa Diyos at magdasal sa Kanya.
P.S. Marami pa akong experience about sa mga kababalaghan, share ko nalang next time.
PS/INSP Joaquin Tuazon
