Hello! 2nd story ko na to, ako rin yung nagsend nung story na "Apartment", may bago na naman akong kwento about sa apartment na yun. Pero eto na muna ikikwento ko yung 3 scenario in 1 dream.
Isa to sa panaginip ko na di ko makalimutan.
1st Scenario:
Nasa kwarto raw kami nila mama. Describe ko sa inyo bahay namin, bungalow house lang siya, mag dalawang kwarto at maliwanag dito sa bahay namin, so di siya ganun na nakakatakot. Pero may nakaranasan na ko dito , dalawang beses pa lang naman hehe, so balik na tayo sa scenario, ayun nga nasa kwarto kami nila mama, pilit namin sinasara yung pinto kasi yung aso namin si chichi nagpipilit na pumasok pero nung sa panaginip ko mabangis raw si chichi (in real life,maamo siya) tapos habang pinipilit namin sinasara yung pinto bigla na lang raw may gwardyang babae na tumulong sa amin nila mama na magsara ng pinto. So ako nagtataka kasi san siya manggagaling eh , yung tabi ni mama eh dingding na. Kaya clueless ako pero hinayaan ko na lang raw. Hanggang sa macut na dun ung panaginip ko, napalitan na ng ibang scenario. Eto na yung pangalawa.
2nd scenario:
Nasa ibang bahay kami, malawak yung bahay, mapuno sa yung likuran ng bahay. Halos color green ung bahay pero alam ko sa sarili ko na hindi yun ung tinitirhan namin na bahay ngayon pero yung bahay na yun, nakita ko na sa totoong buhay at nakapunta na ko dun. Sadyang di ko lang maalala. Ayun nga may kasama raw ako na lalaki, tapos sabi ko sa kanya "uy tongs, namiss kita" sabi niya hindi raw siya si tongs. Sabi ko kamukha mo siya. Ikaw si tongs. Sumasagot siya na hindi raw talaga siya si tongs, pero as in kamukha niya si tongs, mula ulo hanggang paa. Si tongs na si tongs pero sinasabi niya na ibang tao raw sinabi ko at di raw siya yung tinutukoy ko. Hanggang sa magdilim na naman , nag iba na naman ng scenario.
3rd scenario:
Nasa palengke raw kami nila mama ko. Tapos sila mama sumasayaw, yun bang parang silang nag aalay or ewan ba. Basta para silang ewan. Pero kami ng kapatid kong bunso nakaupo lang pinapanuod namin sina mama at ate na sumasayaw at meron silang kinakanta. Sina mama raw nung sumasayaw may hawak sila at kasama nila yung ibang tindera. Tapos yung kapatid kong bunso, tinatawanan niya sila mama eh may katabi kaming ale, sinaway niya si bunso ang sabi wag raw tumawa at wag raw maingay. Dun ko na nilibot yung paningin ko, sa tabi ko pala eh may mga laman loob ng tao tapos mga baby na patay na yun bang halos kalalabas lang sa tiyan. Sobrang dami raw nun,tapos napatingin ako sa sumasayaw nakita ko tanging sina ate at mama lang raw na ang hawak eh manok pero yung ibang kasama nilang tindera eh mga baby ang hawak. Dun na ko kinabahan na baka nag-oorasyon sila or inaalay nila yun. May kinakanta sila at nakataas yung mga hawak nila.
Hanggang sa nagising na lang ako pero yung kanta nasa isip ko pa rin at nakakanta ko pa rin pero sa isip ko lang. Nakaabot na kami ng SM pero yung kanta sa utak ko palabo na ng palabo hanggang sa nakalimutan ko na yung tuno at words nung kanta. Pero hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko yung mga scenario na yan tanging yung kanta lang yung nakalimutan ko.
Ano kaya ibig sabihin nung mga napaginipan ko? Kasi hanggang ngayon naweweirduhan pa rin ako sa napapaginipan ko. Marami pa kong mga panaginip pero hindi ko alam kung bakit ganun.
Nighmare
Calabarzon
