This is not the first time na magsesend ako ng story ko rito. Yung dwende yung first kung natatandaan niyo pa guys!
Sino yung sobrang close sa mga daddy nila rito? Sino sa inyo ang nagkamali ang daddy nila sa kanila? This year has been the toughest and hardest year na naranasan ng buong family namin. Buong akala ko ay si daddy na ang pinakamatinong daddy sa buong mundo. Siya kasi yung tipo ng taong gagawin ang lahat ng trabaho mabuhay lang kami at makakain lang kami ng 3 beses sa isang araw. Ipaghahanda kami ng breakfast, lalambingin ang bawat member ng family. He's so close to me. Isa na nga siguro talagang bangungot yung nangyari sa amin recently.
Natuklasan namin na may babae si daddy. At ang masaklap pa roon ay slut ang babae niya, or should I say babaeng bayaran. Masakit, sobrang sakit sa part namin yun kasi di namin aakalaing mapupunta lang si daddy sa ganung klase ng babae. Malayong malayo yung babae niya kay mommy. My mom is a professional, she's an accountant, mabait at matinong babae.
Sobrang shock talaga kami at ako pa mismo ang nakatuklas na binahay niya pala yung babae niya. At first, ayokong malaman ni mommy kasi yung day na nalaman ko kung saan nakatira yung slut at si daddy ay yun pa ang mismong araw ng wedding anniversary nila ni mommy. Di ko magawang maging masaya para sa kanila dahil nakikita kong harap harapang ginag*g* ni daddy si mommy.
So to make the story short, nalaman ni mommy yung tungkol sa babae ni daddy. Lumuhod pa si mommy to plead my daddy be back on us pero wala, wala siyang nagawa. Nakapagtataka lang dahil naging insensitive si daddy sa mga panahong iyon.
I consulted my ate Ra, I asked her kung bakit naging ganun si daddy at doon namin nalaman na ginamitan si Daddy ng black magic. May pinainom sa kanya na siyang makapagsisira ng tingin ni daddy kay mommy. At ang pinakamasaklap pa roon ay yung babae niya ang gumawa nun. Gusto niya makuha ang pera ni daddy, gusto niyang mapaikot si daddy sa kanyang mga palad.
At first, di ako naniwala pero habang tumatagal ay mas maraming lumalabas na ebidensya. Nakakaiyak mang isipin pero mahihirapan silang maalis ang gayuma kay daddy. Kailangan na lang namin ng prayer to make my dad alright. Gustong gusto ko na siyang maibalik sa dati. Gustong gusto ko ng maalis ang gayuma na nasa katawan niya. Gusto ko ng maayos nila ni mommy ang gusot sa relasyon nila.
PS. To all guys out there, be faithful to your partners kasi di niyo alam kung nangaliwa pala kayo ay may black magic ding ipainom sa inyo para mahumaling kayo sa babae, maawa naman kayo sa partners niyo. At sa mga babaeng mahilig kumabit, di lang pamilya ang nasisira niyo, buhay pa ng mga taong nakapaloob dito ay unti unti niyong sinisira para lang sa mga kagustuhan niyo at init ng katawan niyo!
Snow
