Hi, I'm just new reader and I enjoy reading some stories and talagang nakakarelate ako sa iba. I just want to share this one.
Year 2005, ng namatay yung cousin ko sa sakit na lukemia 2nd year HS ako nun at 3rd yr HS sya. pangalanan nlang naten sya Jes. Actually, hindi namin inexpect na magkakasakit sya ng ganun at yung nadala sya sa Hospital ang sabi ng Doctor na Acute *blah blah* lukemia yung sakit *Sorry forgot ko yung sa blah blah part* so ayun nga. hindi namin sya mabisita.mag pipinsan dahil bawal daw kmi dun. lahat ng pumupunta lang sa kanya sa Hospital puro. mga tito tita namin pati parents nya Ninong ninang.. kami naman medyo hindi kmi nag woworry magpipinsan kase sa isip namin na wala lang yun. pero yung namatay yung pinsan ko dun lang namin nalaman yung tunay na nangyyari sa Hospital pag dinadalaw yung pinsan kong si Jes. madalas daw syang nagwawala at may pinapalayas pero hindi nila alam kung sino, madalas may sinisipa sya na hindi nila nakikita naiiyak nlang sila Tita at nagdadasal habang sinusubukang pigilan sya. Minsan din.nilang tinanong si Jes bakit sya nagwawala, parang may kaaway at may pinapalayas sino daw ba yun. at ang sagot nya Si Kid, lagi daw syang sinusundan ayaw daw sya tigilan. dun na sila lalong natakot. nadiskobre din ni Tita *mama ni Jes* yung mga drawing sa likod ng notebook ni Jes. na puro bungo, may drawing na bata, mga creepy na.drawing. nung bumisita naman si Mama kay Jes nag pasalamat si Jes sa kanila kase hindi daw sya pinapabayaan, at wag daw syang iwan at baka biglang kunin daw sya, wag daw syang hahayaang makuha. dahil dun kinilabutan si Mama.
Burol ni Jes.
field trip namin sa school nun, habang nasa resort kmi may nakita akong brown na butterfly, naalala ko bigla yung pinsan kong si Jes kase simula ng binurol sya nagkaroon na din ng brown butterfly dun at sabi ni Tita si Jes daw yun.. na guilty tuloy ako na sumama ako ng field trip habang yung pinsan ko nakaburol. pag uwe ko galing fieldtrip pumunta ako kala tita ng walang bihis bihis iniwan ko lang gamit ko sa bahay nagtanong pa tita ko. saan ako galing sabi ko nag field trip kami ngayun. biglang kwento ni tita ""Kaya pala may kumakalabog sa 2nd floor, kninang umaga kase parang may takbo ng takbo sa 2nd floor tapos yung cabinet daw parang piniplit buksan kase naka kandado yun puro gamit kase ni Jes. yun siguro daw sumama sya ng field trip kase bago pa daw di Jes maHospital pinipilit daw sya na sumama dun hindi lang sya pinapayagan. kaya nabanggit ko tuloy yung brown butterfly ma nkita ko sabi nya sumama nga daw tlga sya kase buong araw daw wala yung butterfly sa bahay nila.
That night
magkakasama kami magpipinsan at Tita ni Jes sa other side nagbibiruan kmi dahil joker talaga.Tita ni Jes. and nasa side ako nung time na yun natahimik lahat sa tawanan dahil napansin nila na yung ribbon sa may Flower na nakalagay sa bamboo yung nakalaylay na part eh nakadiretso at nakatutok sakin yung dulo, ang haba nun nagulat kmi paano nanyare yun natulala lang ako habang nakatutok sakin yun lahat sila nagtakbuhan sa kabaong ni Jes habang yung katabi ko naman tumakbo din at umiyak sa takot nabangga nya pa yung ribbon pero nakastraight padin to. sabi ni tita umalis daw ako at dun lang ako umalis pero tulala padin at sobrang kabado ako. lahat kmi nakatinggin lang dun tinignan namin kung nakatutok ba yung electric fan dun pero hindi. inaalaman namin pano nag straight sya kase laylay na part sya at walang gumagalaw dun. maya maya nagdasal si Tita habang umiiyak na lahat yung mga tao sa labas ng burol nagtataka na pero si Tito tatay ni Jes. parang wala lang binaba nya yung pagkakastraight ng ribbon ng parang walang ng yare dahil parang tinatakot lang daw nmin sarili namin.
hanggang dyan po muna...
justSomeOne
Marikina
