Duplicate

1.1K 13 1
                                        


Hi! I can't remember kung anong year nangyare 'to. I think 2012 or 2013. Nagbakasyon kami sa bahay ng lola ng family friend namin. Close kami eh. Yung lote nila, karamihan na gumamit nun noon ay mga kastila at hapon at alam niyo namang pumapatay sila so dun sila nagtatapon ng mga bangkay noon sabi ng fam. friend namin.

Panganay ako sa aming magkakapatid, malakas ang pakiramdam ko sa mga multo pero di naman ako madalas makakita. Yung kapatid kong babae oo, bukas ang third eye niya noon.

Kwento samin ng lola ni fam friend(itago natin sa pangalang lola Kai) maraming multo doon.

Hindi naman ako ganon kaduwag haha. Meron yung araw na Iyong mga kapatid ko at yung mga anak ng fam friend namin nagswimming. Iniwan nila ako so nagtatampo ako non. Ang natira sa bahay ay ako, the parents and si lola Kai. Bored ako non kaya kumuha ako ng dalawang bowl ng kamatis na nahiwa hiwa. Umakyat ako sa second floor ng bahay, according to lola Kai malakas ang multo sa second floor pero di ako natatakot.

May full length mirror sila doon sa isang room. Dun ako tumapat at nag-indian sit, nilagay ko iyong dalawang bowl sa magkabilaan ko. Yung kamatis sa isang bowl, kinakain ko, yung isa naman (hehe don't judge) pinupunas ko sa mukha ko. Kinausap ko yung sarili ko, sabi ko "Sila andun nagswiswimming, iitim sila. Hayaan mo (my name), ikaw puputi ka dito." habang nakatingin ng diretso sa salamin.

Nung gabi, sabi ng kapatid kong may 3rd eye minumulto na daw siya, ang lakas daw. Death anniversary pala ng lolo nila fam friend. Yung mga bata, natulog na, ang naiwang gising ay ako, kapatid ko, parents, pamangkin ni lola Kai at si lola Kai.

Sabi nila magpray daw kami, iikutin ang buong bahay at magdadasal. So habang hinihintay ko iyon nakatayo ako sa dulo ng hallway, naka-crossed arms, doon yung kusina. Nakapatay ang mga ilaw at ang nagsisilbing liwanag ay ang street lights at nagsindi ng kandila sila lola Kai.

Nag-uusap usap sila sa mesa pero ako nakatayo. May napansin akong taong nakatayo sa dulo ng hallway dun sa kabila. Parang iyong kapatid ko(Itago natin sa pangalang Jen). So tinawag ko siya, "Jen! Jen! Halika na dito!" winawagayway ko pa kamay ko. Pero nung medyo nag-adjust yung mata ko KINILABUTAN AKO SA NAKITA KO TxNGxNA! Hindi si Jen yun! AKO yun! Nakacrossed arms siya, nakatingin sakin ng creepy habang naka ngiti ng napakalaki. ANG MAS GRABE EH GAYANG GAYA SA SUOT KO KANINANG UMAGA. Natulala ako non at di nako nakapagsalita. Nakatitig lang siya sakin.

May biglang humawak sa braso ko, si lola Kai,"(my name), Ok ka lang apo?" tumango na lang ako kahit na takot na takot nako.

Nagstart na kami sa pagdadasal. Nagdasal muna kami sa sala. Habang nagdadasal umiyak si Jen habang nakapikit. Tinanong siya nung pamangkin ni lola Kai, "Jen? Bakit?" umiiyak pa rin siya tapos sabi niya "Yung babae...." kinilabutan ako don.

Sabi niya may reflection ng babae siyang nakikita sa screen ng TV. Nagtaasan balahibo ko don. Nagpatuloy kami sa pagdadasal. Grabeng kilabot ko non. Lumabas kami para budbudan ng bigas ang paligid ng bahay. Sabi nanaman ni Jen may nakikita siyang umiilaw sa puno sa garden nila lola Kai. Pero tinignan namin at wala naman. Binato bato iyon ng pamangkin ni lola Kai ng bigas. Sa tuwing may nararamdaman si Jen, iniiyak niya at tinuturo.

Kinaumagahan, kinuwento ko kay lola Kai yung naexperience ko. Sabi niya gaya-gaya daw yun. Ilang beses niya nang nakasalamuha iyon. Yung salamin daw kase, may multo daw doon. Sa kapamilya niya daw iyon na matagal nang patay. Minsan mga anak daw niya iyong ginagaya. Minsan nga daw maririnig niyang tinatawag siya ng boses ng anak niya pero gaya-gaya lang iyon.

May nakapagsabi naman sakin, para malaman mo kung totoong tao iyong tumatawag sayo hintayin mong tawagin ka ng tatlong beses. Sinubukan ko yon sa nanay ko kaso napalo lang ako haha. It's better to be sure diba?

PBJelly
Manila

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon