Si ann

772 7 0
                                        


Magandang gabi sa lahat ng readers.hello sa masisipag na admin.kaylan ko lang nadiskubre itong spookify.pero dahil mahilig talaga ko sa mga kakaibang kwento araw araw na kong nagbabasa at nagcocoment paminsan minsan sa mga story na nakkarelate ako.ok ikwento ko na..sana maipost.
Nangyari ito sa isang bahay na inupahan namin around manila area(di ko na sabihin yung exact place kase paupahan un..respect sa may ari).nangyari ito taong 2012.dahil galing pa ako sa probinsya at hindi ko pa alam yung lugar n bago naming titirhan kaya nagpasundo ako sa recto.nung nasa recto na ako sobra yung kaba ko para akong takot n takot na di ko maintindihan.pinagmamadali ko na yung susundo sakin kase ang tagal nya.hanggang sa nakarating na kami sa bahay...wala akong ibang naramdaman nung unang tapak ko sa bahay.madami kami sa bahay 8 kmi sa bahay yung isa bata pa 2 yrs old.yung bahay hanggang 3rd floor sya.yung second floor ang inupahan namin.unang tingin mo sa bahay luma na sya pero maayos pa nman yung floor nya kahoy halos lahat gawa sa kahoy pwera yung dingding nya kase semento yun..chinese ang may ari ng bahay sa 3rd floor naman sya nakatira mag isa.(past forward) 2nd month namin nagsimulang magbago ang ugali ng bata naming kasama..pangalanan nating c ann yung bata.c ann may sakit talaga sya..at napansin naming lalo syang lumala nung lumipat kami sa bahay na un..kase simula nung lumipat kami di na sya nakapaglakad.sige sabihin na nating dahil sa sakit nya talaga..pero ganito kase un.katabi ko palagi natutulog si ann kase foam lang higaan nmin so tabi tabi kaming lahat.twing gabi gising sya mga aroung 10pm magsisimula syang gising alam ko kase di ako tulog ng ganyang oras.sumisitsit sya palagi saka naglalaro pero nakahiga lang sya yung tatawa sya gabi gabi ganon sya tapos sa umaga tulog sya maghapon halos.hindi ako natatakot non kase nga magkakatabi naman kami lahat.kahit minsan naaalimpungatan ako na nkatitig lang sakin c ann.di ko nalang iniisip na may kahulugan un..yung nangyayare kay ann pag gabi alam naming lahat kase minsan nagigising din yung mga kasama ko sa bahay pag sumisitsit sya.
Isang hapon around 3-4pm nilalaro ko si ann hanggang sa makatulog ako.nakahiga kami malapit sa bintana.tapos nanaginip ako na angkas ko daw sa bike c ann. galing kami sa bahay na yun at may pupuntahan daw kami.mahabang daan daw yung tinatahak namin na wala kong makitang ibang tao.mga puno at damo lang.pero maaliwalas ang paligid sikat n sikat ang araw pero hindi mainit sa balat yung sinag nya.yung daan napakahaba na parang walang likuan pasigsag lang sya.hanggang sa magising ako.pero nung kikilos nako para sana bumangon di ako makabangon.alam kong gising na ang diwa ko dhil naririnig ko ang ingay ng mga kasama ko sa bahay.tapos pinipilit kong imulat yung mata ko pero hirapa ako idilat.konting siwang lang ang naibubukas ko.nakita ko yung mama ni ann ngsasampay sa bintana.gusto ko sanang kalabitin manlang para gisingin ako.pero di ako tlga makakilos.pinipilit kong iangat yung paa at kamay ko pero bigo ako.yung mata ko piit ko ding dinidilat pero wala talaga.inulit kong iaangat yung paa ko.buong akala ko na na angat ko na pero laking gulat ko ng maninag ko na nakaangat nga pero parang yung kaluluwa ko ang umaangat..sobrang takot ko binalik ko nalang at di ko na inangat ulit.kabadong kabado ko.hanggang natalisod nung mama ni ann yung paa ko..sa wakas nakakilos nako..pag bangon ko tulala ako tinanong ako ng mama ni ann.bakit daw ako tulala.tapos kinuwento ko sa kanya.sabi nya kaya daw pala ang pangit ng itsura ng muka ko.akala nya gising na daw ako.binabangungot na daw pala ko non.
Nagpatuloy na ganon c ann.nakahiga lang palagi.tulog pag araw gising pag gabi.isang gabi ewan ko kung nanaginip ako o ano..may nakita akong isang imahe.hindi sya tao eh maliit lang mga kasing laki ng 7yrs old na bata.mahaba yung mga tenga nya mahaba din yung buhok nya na buhaghag.nakalutang sya sa mismong imahe ni mama mary.nakakatakot yung itsura nya mabuhok sya maitim.sinabi ko sa kanilang lahat yun.alam ko naniniwala sila sakin..dati pa man nung di pa kami lumilipat don di na bago sakin yung mga ganong eksena..tuloy lang ang mga araw namin sa bahay na yun.hanggang 6 months n kami nangungupahan don.biglang nagkasakit si ann..1week syang nilalagnat.tapos dinala na sya sa ospital nagstay sya sa ospital ng mga 3 days.di sya gumagaling.malala na daw yung sakit nya.hanggang sa inuwe nalang sya sa bahay.pero nung umaga din na yun namaalam na si ann.
Pero simula nawala si ann..lumala din ang mga nangyari sa bahay..sa susunod po kapag napost na toh.itutuloy ko po..hindi ko pinangalanan yung mga kasama ko sa bahay.kasi si ann lang naman ang kinukwento ko..salamat..

Jannah
Angono, Rizal

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon