Doppleganger ni Lola

594 7 1
                                        


"2006, Cebu City. Grade one pa ako nun, yung lola ko ang parating gumigising sakin tuwing umaga para pumasok sa school. Alas 4 ng umaga, ginising ako ng lola ko tas dumiretso na sya sa kusina. Magrereklamo sana ako nun kasi sobrang aga (6 am ako normally ginigising ni lola). Pumunta ako ng CR upang maligo ngunit pagtataka ko na wala naman si lola sa kusina nung dumaan ako (magkalapit lng yung CR at kusina namin). Di ko yun binigyang pansin at naligo lng ako sa CR. Habang naliligo ako, natakot ako dahil parang may nanonood sa akin. Dali-dali akong umalis ng CR at hinanap ko ang lola ko (nang nakahubad!). Pinuntahan ko ang lola ko sa kwarto niya. Nandun nga sya at nagtaka ako kung bakit sya natutulog eh dapat gising na sya at nagluluto na sa kusina. Ginising ko sya.
Me: lola, natatakot ako. Bantayan nyo po ako sa CR.
(Lola gulat na gulat)
Lola: bakit ka nakahubad?! Anong nangyari sayo?!
Me: naliligo po ako sa CR pero natatakot po ako.
Lola: bat ka naman naliligo?!
Me: lola naman, ginising nyo nga ako diba? Akala ko nga po dumiretso kayo sa kusina pero nandito lng po pala kayo sa kwarto nyo, natutulog.
Lola: ha?! Di naman kita ginising ah. Magbihis ka nga. Bat ka ba naliligo?!
Me: lola naman eh. Ginising nyo nga po ako dahil may pasok sa paaralan. Bihisan nyo na lng po ako ng uniform.
Lola: ano ka ba naman apo, Sabado ngayon walang pasok.
.
.
.
.
.
Di pala si lola yun..."

Sienna
Cebu City

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon