Hi Admin! Gusto ko lang po ishare ito! Sana mo mapost para beware kayo.Nangyari ito month ng september,2016 .
May aso kami 3, isang half breed then dalawang aso Ung dalawang aso nasa itaas samantala yung isa nasa ibaba.. Madalas may babaeng dumadaan na kapitbahay namin na matanda dun.. Si brown brown (name ng dog na nasa baba) mabait sya.. Nangtatahol siya pag may dumaan na tao dun sa harap ng bahay namin.. Pero pag inambangan mo sya lalayo..So isang beses lahat ng aso nagtahulan kaya napatingin kami ng ate ko.. Then nakita namin yung bata umiiyak siya takot na takot siya kay brown brown! Sumisigaw siya ng lola!lola! Tulungan niyo ako! Then dumating yung matanda may dala siyang itak.. Galit na galit siya sa aso namin sabi niya "papatayin ko yang aso niyo! Di niyo na yan makikita!" Pumasok agad yung aso sa bahay.. Once or twice a week nagsusuka siya ng dugo na parang may uod? Then this month nalaman namin na buntis siya... Babae sya! Noong late of september manganganak na siya.. Pero its too late.. Nung gabi na bigla siyang nawala hinanap namin siya.. Tapos nakita namin yung matanda ngiting aso parang demonyo.. Sinawalang bahala nalang namin.. Sabi ng papa ko bukas ng umaga pagnagutom yun lalabas rin yun.. Pero hindi walang lumabas sa halip ay isang masangsang na patay na daga ang umalingasaw ng gabing yun.. At natagpuan ni papa si brown brown.. Sa madamong bakuran namin.. Naninigas at malamig na bangkay niya nalang ang nandon.. Wlaang baby ang lumabas sa kanya.. Patay na siya at ang baby sa sinapupunan niya .. Nahirapan siya manganak .. Pero alam kong di siya nahirapan .. Kinulam siya.. Kaya pala ung mukha ng matanda na parang devil grin..
Pero hindi pa ako sigurado kung mangkukulam siya .. Ikwekwento ko nalang sa susunod ung karanasan pa po namin dun sa bahay.. Susunod na lang po.
Chichay
Quezon City
