Beneath the stairs

671 8 0
                                        


Baby pa lang ako mga tita ko na ang nag aalaga sa akin sa kadahilanang nagtatrabaho sa Maynila ang mga magulang ko. Doon ako nakatira sa bahay ng Lolo ko sa Bataan dahil na rin para malibang ako lola kong may sakit. Sabi nang mga tita ko, sa tuwing aakyat ako ng hagdanan papuntang kusina lagi akong nasusubsob o nadadama nang di nila nalalaman sa anong dahilan. Kahit tumatakbo ako bigla na lang ako masusubsob. Ang laging sinasabi na lang nina Tita noon napagkakatuwaan lang daw ako ng nakatira sa may ilalim ng hagdanan namin. Noon kasi hindi pa malaking bahay ang bahay ng lolo ko na iyon, sinaunang bahay pa noon ang style ng bahay ng lolo ko na iyon at may malaking puno sa lugar mismo ng hagdanan na kinatitirikan ngayon ng bagong bahay. Noon pa man daw lagi raw kinatatakutan ang lugar na iyon kayat pagsapit ng alas sais eh wala nang dumadaan sa lugar na iyon at. hinahayaan nilang madilim.

Back to the story. Way back 2005, 8yrs old pa lang ako noon. Dahil sa dami rin naming nakatira noon sa bahay eh napagpasyahan na nina Mama na sa sala na kami matulog. Dalawa ang sala sa bahay, yung isa katabi ng kusina at yung isa naman sa may baba pagpasok sa sliding door. Doon kami sa may katabi ng kusina malapit doon sa hagdanang mahaba paakyat sa second floor ng bahay. That night dahil bata pa naman ako,wala rin akong alam masyado sa kaganapan sa bahay noon. Nanaginip ako ng gabing iyon na nasa loob ako sa ilalim ng hagdanan namin na iyon. Para syang malaking kwarto na kasya lamang sa maliliit na tao. Napansin kong may makinang na bagay sa loob ng kwarto, pumasok ako at tinignan kung ano iyon. Nagulat ako sa nakita ko, maraming divider na punung-puno ng mga gintong nakasalansan ng maayos. Naisipan ko noon na kumuha ng ilang ginto at isilid sa sakong itim na hawak ko. Hindi ko rin alam kung bakit may sakong itim akong hawak.  (Yung plastic na malaking itim, garbage bag) Isa-isa kong isinilid ang mga ginto sa loob ng sako. Di ko namalayang may nakapasok na pala sa loob ng silid, isang maliit na boses ang nagsalita at sinabing "Anong ginagawa mo?", Napahinto ako sa ginagawa ko at humarap sa kanya habang ang kamay kong may hawak sa sako ay inilagay ko sa likuran ko at pilit.na itinatago. Ang sagot ko sakanya, "Wala po." Pansin ko ang haba ng balbas niya, mas malaki rin ako sa kanya ngunit mapapansin mong kulukulubot na ang balat niya pero parang bata siya kung titignan. May suot rin siyang cap na matulis na siyang nagpapakita ng matulis rin niyang mga taenga at maliliit ang kanyang mga mata, mga matang nakamasid sa akin at pilit na inaaninag kung ano ang tinatago ko sa may likuran ko. Saka siya muling nagsalita at sinabing, "Ano iyang tinatago mo sa likod mo?" Sabay kuha niya sa tinatago ko at muling sinabi, "Alam mo ba kung anong kapalit ng ginawa mo? Sa ngayon pagbibigyan kita. Pero sa susunod na tumapak ka sa lugar na ito at ginawa mo ito, buhay na ang kapalit ng mga taong mahal mo kapag ginawa mo pa ito. Sige na umalis ka na." Humingi na lang ako ng tawad sa kanya at sabay labas ng silid. Siyang paglabas ko ay siya ring paggising ko. Maaaninag mo sa labas na madilim pa. Nakakulambo lamang kami para panlaban sa lamok. May naaninag rin akong nakatayong lalaki at nakaharap sa amin. Malapit siya kay Papa. Akala ko nga nung una siPapa pero nung tinignan ko nang matagal mahaba ang buhok niya parang buhok ni Dora pero lalaki siya. Nakatingin sa akin. Napansin ko namang babangon pa lang si Papa noon para umihi. Dahil sa takot ay pumikit na lang ulit ako natulog.

Kinabukasan, kinwento ko iyon agad kay Mama at kayla Tita. Pati ang panaginip ko. Tinitignan lang nila ako ng matagal pero halatang may takot sa mukha nila. Sinabi ko rin mismo kung anong itsura nung lalaki. Ang isa kong Tita, tumayo at hinawakan ako sa kamay. Inaya niya ako umakyat sa taas at may ipapakita raw sa akin. Noong nasa taas na kami, may inilabas siyang malaking frame na painted lang. Picture syang nakabalot sa dyaryo para matakpan. Pinakita niya sa akin at picture at tinanong kung iyon ba ang nakita ko kagabi. Nagulat ako kasi iyon nga. Ang sabi niya, tatay raw iyon ng panganay kong pinsan na namatay rin makalipas at dalawang buwan ng ipanganak ang pinsan ko. Nasama siya sa mga namatay noon sa bus byaheng Olongapo taong 1980. (Kung may mga reader dito na alam iyon, maiintindihan niyo.)Sinabi na lamang sa akin ng tita ko na araw kasi mismo ng kamatayan ng tito ko na iyon non at siguro akala eh ako iyong anak niya kaya binisita lamang ako. Tungkol naman doon sa panaginip ko, akala ko noon fairy tales lang pero ang panaginip ko pala naiyon, totoong may mga ginto sa ilalim ng bahay na iyon. Ikukwento ko na lang sa susunod kung anong meron talaga sa ilalim ng hagdanan na iyon. Sana maintindihan niyo ang kwento ko. First time ko lang kasi to. Salamat sa pagbasa.

AGirlWithFear
Bataan

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon