So I had this dream that's been bugging me for a long time now because I can't find the reason and its interpretation to this. Last month lang. I'm sharing this at Spookify, nagbabakasakaling may makapagsabi kung bakit ko napanaginipan ito and the real meaning behind it dahil sobrang creepy nito.
So eto na, bago ko napanaginipan yun, dad woke me up mga bandang 5am kasi may mass for my lola's death, tumanggi ako sumama kasi 5am e, antok pa ko nun. Bale natulog ako ulit....
Eto na yung panaginip ko, I was strolling an unfamiliar village with a motorbike na may sidecar with my partner... Until napa-stop kami sa isang bahay na may pool. I was surprised, kasi sa pool, nandun yung lalaking nanloko sa kaibigan ko, tawagin natin siya sa pangalang David (di ko nga alam bat ko napanaginipan yung lalaking yung eh di ko naman siya kakilala personally), he's with another guy which I don't know and can't even remember the face. My partner let me dive into the pool with them. Until minutes later, nakita ko nalang na bigla nalang nag-surface ang katawan ni David sa pool at kinamatay niya yun. So yung bahay na yun na may pool, dun siya pinaglamayan, maraming tao, maraming bulaklak, yung kabaong niya....
Days have passed, ako naman ang pinaglalamayan! Hindi ko na rin matandaan ano ang kinamatay ko sa panaginip ko. Parang nag-skip sa panaginip ko e? Pero isa akong kaluluwa na palakad lakad sa lamay ko. Nakita ko ang katawan kong nakahiga sa kabaong, tapos ako ay kaluluwa na lamang! Creepy diba?! So back to my kwento, I have this bestfriend na lalaki (sa panaginip lamang, di ko rin siya kilala personally and I haven't met him in person, nakikita ko lang siya sa tv), I'll name him Alex. Nakikita niya ako at nakikipagusap sa akin kahit kaluluwa na lang ako, nasa lamay ko siya. Siya ang kinakausap ko sa tuwing may pasabi ako sa mga pamilya kong iniwanan. Maraming taong di ko pa nakikita at hindi ko kakilala, may mga matatandang pinagdadasal ako. Until dumating yung araw ng libing ko, ramdam ko yung bigat ng pakiramdam ko nung sinabi ko kay Alex na wag nila akong ilibing dahil gugustuhin ko ng maging kaluluwa na lamang dahil sa sitwasyong ganoon, nakikita't nababantay ko pa din ang pamilya ko. Ewan ko ba, isip-isip ko kasi na baka pag mailibing yung katawan ko, mawawala na lang din yung kaluluwa ko sa mundong ibabaw. Feel na feel ko yung pag-iyak kahit kaluluwa na lang ako. At dun na ko nagising....
Di ko kinaya mga fren! Pag-gising ko, napa-WTF nalang ako ng paulit-ulit! Di ko alam kung kanino ko itatanong 'to, kung maghanap ba ko ng expert para masabi nila ang dahilan kung bakit ko napanaginipan ang kaluluwa ko? Bakit napanaginipan ko si David na wala namang konek sa akin? Ano ang ibig sabihin ng kabaong sa panaginip? Anong ang ibig sabihin ng maraming tao sa libing ko na na pinagdadasal ako't hindi ko naman sila kakilala? Anong ibig sabihin ng lahat ng to? Sana makakuha ako ng sagot.
PS. Gusto ko mang ikwento kay David na napanaginipan ko siya, baka sabihin niya sakin na feeling close ako sakanya at magalit siya kasi namatay siya sa panaginip ko.
Kim
Manila
