Share ko lang po, yung kapatid (ate) ko po kasi ang weird nya na eh. Like sa kwarto nya laging may kandila at yung mga nakadikit sa pader ng kwarto nya puro triangle na may mata. Ito pa ang weird lang kasi ang tahmik nya na! Then dati ayaw na ayaw nya sa itim but now halos laging nakaitim. Di na rin kami close kasi nga parang natatakot na rin ako sa kanya (Di lang ako, pati family ko).
Why? Eh halos araw araw may sumusundo sa kanya, sabi nya mga barkada nya. Pero alam ko na hindi yun ang barkada nya, ang creepy lang kasi puro mga nakaitim! One time nga eh di sya pinayagan ni papa pero gumawa pa rin to ng paraan at tumalon sa bintana ng kwarto nya. Ngayon ibang iba talaga sya, namimiss ko na yung dating ate ko :/ Yung napaka kalog at madaldal. Di namin alam kung anong gagawin namin. Napaka creepy na talaga ng kapatid ko swear.
MariaJaninaPau
