Prayer Works
Hi admin, sana mapost ito! Okay lang kung hindi pero SANA mabigyan nyo ako ng chance. Medyo mahaba po. Please bear with me po. Thank you!
Lumaki po ako sa isang pamilyang mulat sa mga pamahiin. Isa na po doon yung kapag nanaginip ka ng natatanggal ngipin mo, kailangan ikagat mo po yun sa halaman pagkagising mo pa lang sa umaga. Dapat nga daw po di ka magsasalita nun hanggat di mo pa nakakagat. Para daw po doon mapunta yung disgrasya at hindi po sayo o sa pamilya. Kapag ganoon daw po kasi, meron mamamatay. Ganoon kasi nangyari po sa tita ko (Kinwento lang din po sa akin) nanaginip siya ng nalalagas lahat ng ngipin nya. Pero ang sabi niya lang ""SA AKIN NA LANG MAPUNTA KUNG ANO MAN TO BASTA WAG NA SA PAMILYA KO."" Bilang na lang po ng ilang araw, natagpuang patay ang tita ko. Hindi siya nagpakamatay o namatay dahil sa sakit, kundi PINATAY sya.
Tumatak ang kwentong yan sa isip ko hanggang sa ako mismo ang makaranas. Sa panaginip ko, dalawang ngipin po sa itaas na lang ang meron ako. Yung isa inikot ko pa para matanggal. Tumingin pa nga ako sa salamin non, nakita ko wala na po talaga akong ngipin. Sa panaginip kong yon, ewan ko po ha, pero biglang naisip ko yung kapatid ko, si Liyah (Hindi tunay na pangalan). 8 years old pa lang po siya.
Nagising po ako ng umaga ng hindi naaalala yung panaginip na yun. Noong araw na po kasing yan, pupunta kami ng Pangasinan. Naalala ko na lang yung panaginip ko nung naliligo ako, napa ""IN JESUS' NAME"" ako that time sa hindi mapaliwanag na dahilan. (Born again Christian na po ako). Nagpray din ako kahit nasa cr ako. Wala namang pinipiling lugar ang panalangin. Medyo awkward pero go pa rin! Tumatak sa isip ko na mas makapangyarihan si Hesus kumpara sa kahit na anong pamahiin.
Lumuwas na po kami ni Mama, naiwan si Liyah sa mga pinsan ko. Sa buong byahe okay naman po kami.
Papauwi na kami galing Pangasinan, same day, balikan lang po kami noon, tumawag kami sa bahay, may sakit daw si Liyah. Sabi na lang namin na dahil sa ngipin niya. Mejo fast forward, mga bandang Cabanggan po yata yun, tulog na po ako at yung iba pa pong mga pasahero. Nagising na lang po ako dahil sa sobrang lakas ng pag alog ng bus, nagsigawan na rin po ang lahat. Napapikit na lang po ako, naghihintay sa malakas na impact dahil di ko po alam ang nangyyari kasi po gabi na rin nun at madilim. Pero ayun, malaking lubak lang pala at di nakita ng driver. Nakauwi kami ng safe noon. Akala ko tapos na yung dagok samin, hindi pa pala. Pagdating namin kasi nilalagnat kapatid ko.
That was saturday. So sunday, may service kami. Umaga umalis na ako sa bahay. Sa service namin parang ang bigat ng pakiramdam ko, parang maalinsangan, na nakakairita. Umuwi ako sa bahay, tulog na yung kapatid ko. Kinausap ako ni mama. Nanigas pala yung kapatid ko. Nagising daw si Liyah na nakatulala tapos maya maya parang may inaabot sya. Tinignan ni Mama yung direksyon ng mata ni Liyah, wala naman daw. Hanggang sa nanigas yung kamay at paa niya. Pero yung mata niya nakatulala pa rin, hindi nagbblink. Wala na daw syang lagnat noon. Tinatapik na siya ni mama at kinakausap pero hindi pa rin siya nagsasalita. Pinahilot na niya sa pinsan ko yung paa ni Liyah kasi bumabaluktot na. Mga ilang minutong ganoon daw. Hanggang sa nagsalita na yung kapatid ko ng ""Mama"". Tinanong siya ni Mama kung anong nangyari pero hindi niya daw alam. Natatandaan nya lang yung nagpunta sila ng clinic at natulog na daw sya.
Feeling ko? Feeling lang naman. Na mas malala pa doon ang mangyayari if ever hindi ako nagpray at kung hindi ko nirebuke yung sa panaginip ko.
Feeling ko, magkaugnay din ang panaginip sa buhay natin sa hindi mapaliwanag na dahilan.
Feeling ko, warning ang panaginip na iyon.
Ang sigurado ko, malakas ang kapangyarihang ng pangalan ni Hesus na dun pa lang, naiwaksi na yung lahat ng gawa ng kaaway.
Wala naman po sigurong masama kung may alam tayo sa pamahiin pero sana mas matimbang pa rin yung pananampalataya natin kay Hesus. Sa mga kaya Niyang gawin para sa atin. Sa mga kaya Niyang iwaksi para lang maging ligtas tayo.
Juning
