Hi mga ka spookify :-)
Gusto ko lng po i-share ung unang bangungot expirience ko , matagal narin po itong nangyari pero hanggang ngayon nd ko parin makalimutan. So lets start :-)
Nangyari ito nung 2012, sa pagkakatanda ko summer vacation namin un, hindi nmin laging kasama sila mama sa bahay nmin sa laguna kasi ung work nila sa manila pa masyado silang napapagod kapag araw-araw silang uuwi kaya umupa nlng sila ng room ,malapit lng nmn ung bahay ni tita sa bahay nmin kaya ok lng khit wala madalas sila mama ,tuwing friday lang sila ng gabi ni papa umuuwi , so kami lng magkakapatid ung laging magkakasama sa bahay, one time umuwi si mama na sya lng mag isa may tatapusin pa daw kc si papa , rush na daw kc klangan na kinabukasan, so apat lng kmi sa bahay ako, si mama tapos ung dalawa ko png batang kapatid, nagtabi-tabi nlng kmi sa higaan kasi apat lng nmn kmi, Sa sala nlng kmi natulog kc medyo mainit , ako ung nakapwesto malapit sa dulo,sa kinahihigaan ko tanaw ko agad ung pinto ng kusina nmin, so un tulog na kmi, nagcng ako nakita ko si mama nagsasaing so bgla ko naisip bkit ang aga nmn ni mama magsaing, so pikit ulit ung mata ko nd ko na pinansin , nagising ako ulit may nakita akong babae na nakatayo sa pinto ng kusina nmin, nagtaka ako bkit may babaeng nakatayu dun , bigla akong kinilabutan nung nakita ko ung itsura nya mahaba buhok, nakaputi, sa takot ko pinikit ko ulit mata ko kc alam ko panaginip lang un, pero nung minulat ko ulit ung mata ko nasa paanan ko na ung babae hawak nya na paa ko , hinihila na nya ako pababa, sobra na ung takot ko kc habang hila nya paa ko, nakikita ko na ung itsura nya grabe nakakatakot mukha syang naagnas, naalala ko bigla na kapag ganun daw galaw mo lng ung daliri mo sa paa para magising ka, gnawa ko nga sabay dasal ng "Our Father" malapit ko na matapos ung dasal ko pero nandyan pdin sya , nangangalahati na ung katawan ko sa higaan nd pdin sya nawawala, umiiyak na ako sa sobrang takot, gusto ko sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, nd rin ako makalingon para kalabitin man lng ung nasa tabi ko,sobra na ung takot na nararamdaman ko nun ng bigla nlng ako nakaramdam ng sakit sa mukha ko parang may sumiko skin tapos tumama sa ilong ko kaya ako nagising, salamat kay papa God gumawa sya ng way para magising ako, pagkagising ko nakita ko ung braso ng kapatid ko nasa mukha ko na, napaiyak nlng ako bigla sa kakaiyak ko biglang nagising si mama, binigyan nya ako ng tubig, sinabi ko sya kanya ung panaginip ko, sbi ni mama bangungot daw un , nagdasal ako nag thank you ako kay papa God kc nd nya ako pinabayaan, ang alam ko kc marami na namamatay sa bangungot nd na nagigising, hindi na ako nakatulog nun hanggang sa sumikat na ung araw.
Sa mga ganung sitwasyon prayer lng talaga guys,
Salamat sa pagbabasa sana mapost po :-)
Psyche
Laguna
