ROXAS BOMBING

1.2K 25 3
                                        


Suki na ako sa Roxas. Halos lahat ng taga Davao pabalik-balik na doon. Memorize na namin mukha ng mga tindera. May mga suki na din tulad nina Mang Danny at yung si Nanay na nagtitinda ng mga borloloy. Tsaka memorize na namin mukha nung mga bata at matandang nanghaharana at nanlilimos.

Every night same routine. Maraming tao. Maraming nagpapahilot. Maraming barbeque. Maraming pumupila sa ice cream.

Pero iba nong September 2.

As what I said earlier, memorize na namin yung mga nanlilimos. Pero this time may bago. Matandang babae na naka all black. May black na belo, black na rosary at black din na dress.

Nanay: ""Day hatag pang panihapon day."" (Ineng, pahingi naman ng pangkain o)
Ako: ""Dara dyis nay oh."" (Eto ten pesos po)
Ako: ""Sabay nalang kaon sa amoa nay. Palitan takag isaw ug kan-on."" (Sabay ka nalang po kumain samin, nay. Bibilhan kita ng isang isaw at kanin.)
Nanay: ""Salamat day. Uli namo day ha kay naay dilubyo karon. Naay kusog kaayo nga linog. Dili nako magdugay day kay daghan pakog ingnan ani. Ayo-ayo mo uli gyud mog sayo."" (Salamat ineng. Uwi kayo maaga ha kasi may dilubyong darating. May malakas na lindol mamaya. Hindi na ako magtatagal kasi marami pa akong sasabihan. Ingat kayo at uwing maaga ha.)

Ganon din ang sinasabi niya sa mga katabi naming kumain. Napagkamalan tuloy naming baliw si Nanay. Tsaka napa-joke kami na ""Ayus workshop ni Nanay ah"". That time kasi iba na ang arrangement sa Roxas. Iniba ni Mayor Inday. Kaya naisip din namin baka iniba din ang style ng mga pulubi. Lol

Hindi pa kami umuwi non ng best friend ko. Nag ikot ikot pa kami like what we always do. Bothered pa rin ako sa mga pinagsasabi ni Nanay. Feeling ko kasi may something eh. Kaya inaya ko na pauwi best friend ko. Nakasalubong pa namin si Nanay, at sabi nya ""Nganong wala paman mo nanguli? NAA NA!"" (Bakit di pa kayo umuuwi? AYAN NA!) At ilang segundo lang...

BOOM!

(Paglingon namin, wala na si Nanay. imposible talagang wala siya kasi malayo pa ang sakayan ng trike. Imposible ding nasali si Nanay sa mga sugatan kasi medyo malayo kami sa blast site)

Nakakalula.
Ang lakas ng tunog ng pagsabog.
Nagkagulo na ang mga tao.
May mga taong duguan.
May mga taong nagsitakbuhan.

:(

Nakauwi kami ng safe ng best friend ko. Tapos pinost ko agad yung about kay Nanay. Nagulat ako kasi andami din daw ng nalapitan ni Nanay tsaka ganon din daw ang sinabe. ""Uwi na kayo"" ""May dilubyong darating"" Dun ko napagtanto, nagsilbing ""warning"" si Nanay sa amin. Sinabi nya lang na lindol para siguro hindi kami ma-shock.

That night lang talaga namin nakita si Nanay. Di na sya muling nagpakita pa.

Paige

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon