Lugar ng aswang

783 12 0
                                    


Ako nga Pala si Kevin, Di tunay na pangalan. Ikkwento ko lang yung Ikwinento sakin ng Mother ko and Father ko.

Roxas City Capiz,
Baby palang ako non 3months, Dahil sa Uso nga ang Aswang nung Araw sa Probinsya namin sa Capiz pati ako Gustong kunin :3 Gabi na daw non ng Mag simulang Makaramdam ang mama ko ng Parang may kumakaluskos sa Bahay. Malakas ang Pakiramdam ng nanay ko pag dating sa mga aswang Dahil ang Lola ko na mama nya ay Kayang Kumausap ng Aswang,Engkanto or Kaluluhang May ginawang Masama sayo. Ng maya maya Pakiramdam nyang Lumakas Ang aura ng Paligid. Alam nyang aswang nga ang nasa bahay na gusto akong kunin. Ginising nya ang papa ko at pinag mumura nla ang Aswang. Nakita kasi ng mama ko ang dila nito sa bubong namin, ang bahay namin non is simento ang Pader na Ang bubong ay yero. Ng makita nya ito kumuha sya ng Itak at pinag mumura nya ito at hinahamon na Mag pakita sa kanya. Pero hindi daw Lumalabas hanggang sa Gustong gusto nadaw tlga ako kunin Kinuha ng papa ko yung baril nya. Napag pasyahan nlang Pumunta sa Lola ko pra Iiwas ako sa aswang, Kinuha ng erpat ko yung Van namin. Sinakay daw ako pati ang dalawa kong kapatid. Habang buhat buhat ako ni mama. Umandar nadaw kami at tila Gumaan ng ang pakiramdam ni papa at ni mama dahil wala na sgro ang aswang. Ng maya maya habang nasa byahe Bigla daw Bumigat ang sasakyan tlga nahirapan ang makina pero sinagad daw ng papa ko ang Bilis naramdaman nga nlang nasa bubong ng Van namin ang aswang. Kumakalmot sa bubong tlgang ang pakay nya nung gabing yon ay kunin ako. Habang nag ddrive si papa Kinuha nya yung baril pinaputukan yung bubong kung saan nararamdaman nya uung aswang. Pero hindi tumigil. Habang umaandar ang van nasa Highway na kami at ang katabing daan nito ay bangin na. Si papa hindi nya na daw ma kontrol ang manubela Papunta sa direksyon kung nasaan yung bangin. Hanngang sa Binagalan nya ng kaunti ang takbo at sinalpok nalang sa Isang Puno o pader (di ko na maalala) tpos nag babaan sila. May isang bahay don na maliit as in maliit. Pinakiusapan ni mama na kung pwede  makituloy kami kahit saglit lang. hanggang sa yung aswang nasa bubong na nung bahay na Tinuluyan namin. Si papa Lumabas sa pinto at hinamon yung Aswang dala nya ang baril. Hindi nya to makita kaya nag paputok lang sya hangang sa nawala na ng Kalmot sa bubong nito. Makalipas ang ilang oras di na nag paramdam ang aswang  kinuha ni papa yung van at umalis na kami agad habang nangyayari yun Grbe daw ang iyak ko Hindi ako mapatahan. Ng nasa byahe na kami magaan na ang pakiramdam nla at ako nakatulog nadaw nakarating kami ng ligtas sa bahay ng Lola ko at dun na nag antay ng Pag buka ng Liwayway. Ligtas na ako.

Salamat sa Pag babasa Pasensya na Kung hindi masyadong creepy.

-MariaLabo
Mklsta

Mklsta
Roxas City,Capiz

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon