Premonition nga ba o nagkataon lang?

602 6 0
                                        


Guys kailangan ko talaga ng tulong ninyo, karamihan kasi sa pinagsasabihan ko nito ay hindi naniniwala o yung iba man nakikinig lang pero wala talagang advice na ibinibigay. Hindi ko alam kung blessing ba to o dapat kong katakutan. Oo sa nakikita niyo ay "Premonition nga ba o nagkataon lang?" ang title kasi, I've seen a lot of premonitions in my dream. Una noong first year college ako, napanaginipan ko ang Papa ko (that time 5 years ng wala si Papa, nagkahiwalay sila ni Mama and I haven't seen him after they separated), Oh balik tayo sa kwento. Hehe. Si Papa biglang nagpakita sa panaginip ko feeling ko nasleep paralysis pa ako noon. Kasi nakahiga lang ako sa higaan ko alam ko rin na natutulog ako, pero si Papa bigla kong nakita sa paanan ko. Nakabarong, tapos biglang ngumiti. Kinabukasan, pagpasok ko sa school nabalitaan kong binaril raw ang Papa ng kaklase ko. (Kung nabalitaan niyo yung pangyayari sa Alicia, Isabela na binaril noong 2015. Yun yung tatay ng kaklase ko, he's innocent nadamay lang siya sa away). Pangalawa, mga ilang linggo lang bigla na namang nagpakita si Papa sa panaginip ko nakangiti pa rin, parang pinagmamasdan ako sa pagtulog. Ang weird lang. Kinabukasan ulit, nakita ko ang aking kaklase balisa tapos umiiyak tinanong ko mga kaclose niya sabi nila na ang tatay niya ay pumanaw na dahil sa sakit. Kinabahan na ako kasi sa tuwing napapanaginipan ko si Papa, may tatay na namamatay. Eto pang isa nanaginip ako ng baby, kinabukasan na naman nabalitaan ko sa TV Patrol na may baby raw na iniwanan sa isang subdivision sa may basurahan pa ata inilagay, buhay naman yung bata pero yun nga naexpose na at mahina na rin. Ilang araw rin namatay yung baby.

Tapos eto lang recently, Alam naman natin na parating si Bagyong Lawin sa bayan namin. (Isabela), naghahanda na kami noon syempre delikado na. Signal no. 5 eh. Habang natutulog kami, ako nanaginip na naman. May hinahabol raw akong sasakyan ewan ko kung bakit basta takbo lang ako ng takbo. Hanggang sa natatanaw ko na lang yung sasakyan na hinahabol ko. Traffic sa panaginip ko (kaloka). Hanggang sa nagkaroon ng banggaan, kitang-kita ko na yung sasakyan na hinahabol ko nabunggo. May isang truck biglang nabunggo at lumipad sa ere (Weird na naman kasi bakit may lilipad na truck). Tinanong ko yun kay Mama, bago dumating si Lawin, sabi niya malakas talaga ang bagyo. At yun nagkatotoo nga, ang lakas ng hangin. Ang worst Signal no. 5 pa kami. Isabela at Cagayan. Nabalitaan ko ring may truck daw na bumaligtad diko lang sigurado kung sa bandang Ilagan City yun.

Sana may makapag-advice naman sa akin. Nababagabag talaga ako. 😥. Maraming Salamat, sana di kayo napagod sa kakabasa nito.

PS: After magpakita ni Papa sa dreams ko noong 2015. Last April 2016, nagkabalikan na sila ni Mama. Dito na rin siya sa bahay. May sakit, sobrang payat. Pero still fighting. 😊

Sanggre Alena, CPA
Santiago City, Isabela

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon