I really hope you can post this kahit sa messenger lang sinend. I need someone who can say what's going on.
Hi. This happened when I was 13 years old. Our house is a two storey house. Pero yung kwarto ko nasa baba. Nasa ilalim ng hagdan. Para goals. So ayun nga, apat lang kami, mama, papa, ako, little brader. Pero isang araw umuwi sila tita tsaka isa kong pinsan para sa isang occasion. So ayun, para lang malaman niyo, yung kwarto ko walang light bulb. Madilim na madilim. Kasi may nyctohphilia po ako. Gustong gusto ko ng madidilim, nakakarelax siya para sa akin. Natapos na yung celebration, pumasok na ako sa kwarto. So ayun, madilim, pinailaw ko flashlight ng phone ko para makita yung dindaanan ko, in-on ko yung aircon tapos humiga na. Nagmusic pa ako. Pero habang nakatunganga ako, nakita ko pagpatay ng ilaw sa labas, kasi may siwang sa may pinto, medyo malaki yung sa ilalim. Sabi ko 'Ah, tulog na sila mama.' so ayun, hininaan ko yung music. Ilang sandali pa, bumukas ulit yung ilaw. Nakarinig ako nung kalabog sa hagdan,vparang may bumababa. May nakita akong paa na naglalakad. Pero binalewala ko. Natulog ako.
3:14 am exact, nagising ako. Hindi ko alam bakit pero pagmulat ng mata ko, nagtaasan na balahibo ko. I'm not really fond of horror pero nakakakita ako, and I know that 3:14 is devil's hour. Wala ng ilaw sa labas. Pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin, nakadapa kasi ako kaya di ko makita. Pinikit ko pa ng mariin yung mata ko. Before ako gumulong at nakita ko na naman yung bata na lagi nalang nasa kwarto ko. He has this devilishly smiles, piercing eyes. "Hahaha. Laro tayo... Sige na.." yan yung lagi niyang sinasabi. Every time na nagigising ako sa mga titig niya. Nagpray ako nun, na sana umalis na siya. Pero pagmulat ko nandoon pa rin siya. Dun na ko nagdecide na lumabas.
Nagmamadali pa akong lumabas. Pagbukas ko, madilim na sa sala. Pero may nakaupo dun, naka polo na pula. Nilapitan ko, akala ko papa ko pero nung naaninag ko na mukha niya, wala siyang mata! Sh*t mga bes! Tumakbo ako ng tumakbo papunta sa taas, nadapa pa ako sa hagdan "Laro tayo.. sige na..." Yun na naman boses nung bata kaya kumaripas ako paakyat. Kinalabog ko pa pinto ng kwarto nila mama "MA! PA! ERSET!" sigaw ko pa. Then weird lang kasi yung pagbukas nung pinto slow motion, pumasok ako tapos sinara pinto. Pero p*ch*, nung nakapasok na ako, kandila lang yung ilaw tapos yung may hawak, andami niyang dugo sa mukha. Nagpray ako ng Hail Mary nun, baka gumana, kasi yung own prayer ko kanina wala, nag Our Father na ako. Sa kalagitnaan sa may bandang "Give us this day.." sumabay siya mga bes! Nakangiti pa si ate! Binuksan ko ang pinto at dali dali akong bumaba, pero pagbaba, king ina, nandun na yung tatlo. Wala na akong nagawa, nilamon na ako ng takot ko. Nagblack na lahat.
Kinaumagahan nagising ako. Nandoon pa rin ako sa may hagdan. Naalala ko pa rin yung kaninang madaling araw kaya nanginginig na akong tumayo. Bumukas yung pinto, nagtaka ako kasi pumasok sila mama, may dalang bag, pati sila tita. Saka ko lang naalala na after pala ng occasion, nagpaalam sila na lalabas. Ako lang mag isa sa bahay. After that, hindi na ako nagpaiwan sa bahay. At yung bata, gustong gustong makipaglaro sa akin, kaya one time nakipaglaro ako.
Pero kinaumagahan non, umiiyak sila mama. Kasi tumatakbo daw ako mag isa. Sinugatan ko pa pinsan ko. Sumisigaw pa daw ako ng "MAKIKIPAGLARO AKO! TUMABI KA!" At ngayon, kaibigan ko na siya, umiiyak minsan sila mama kapag sinasabi kong "Ma, sasama ako sa kanila."
Ewan ko ano na ang nangyayari. Salamat sa bumasa.
-ARDELINA-
