"Since puro sleep paralysis ang mostly na popost dito, let me share my experience having that same condition. Actually bago ako makaexperience ng sleep paralysis, nakaka experience din ako having intercourse with ""someone"" or ""something"" that I truly believe called INCUBUS.So simula bata palang ako, nagkakaroon ako ng panaginip na may isang batang lalaki daw akong nakakasama playing his part as my ""lover"". Sa panaginip ko, he always wears cap na black tas laging nakababa yung razor kaya di ko makita ang face nya kasi nagshashadow ng black. Pero siguro less than 3 times a year ko lang sya mapaginipan pero naalala ko sya. Lagi kaming naglalaro and he's always being a gentleman to me. Minsan nga, nabibitin pa ko pagnagigising ako at makikita kong umaga na. Tas un, habang lumalaki ako, lumalaki din sya. Habang nagdadalaga ako, nagbibinata naman sya. Sobrang kinikilig pa nga ako kasi everytime na napapaginipan ko sya, parang totoong bf and gf kami. Then 4th year college na ko nun nung nararamdaman kong parang nagiging intimate na yung mga scene na nangyayari sa panaginip ko and as usual, feeling ko din parang totoong nangyayari yung mga ginagawa namin. I can feel him touching me. I can feel him inside me.
Tas nung 2014, di ko na sya masyadong napapanipan. Pero 2015 (may bf na ko nung time na yun), siguro mga January or February, we met again in my dream and that was the last time na may nangyari. That time, as in di ko na sya mapigil, parang sobrang hayok na hayok sya. Sobrang galit at ang hard nya which leads me to feel scared. As in nagpupumiglas ako sa mga ginagawa nya sakin. Wala akong magawa at hindi ko alam ang gagawin ko, Gusto kong gumising para matigil yung nangyari, pero wala. Hindi ko magawa.
Kinabukasan, as in nagpray ako. As in to the maximum effort na pagpepray. Never kong kinuwento ang nangyari or kahit anuman na tungkol sa ""someone"" na yun dun sa bf ko nung time na yun. Sa isang bestfriend ko lang ako nag sasabi kasi alam kong maiintindihan nya ko kasi alam kong aware sya sa mga ganung bagay. And fortunately after that, di naman na sya dumadalaw sakin sa gabi.
But then, around December of 2015 and early this 2016, madalas akong nagigising ng bandang 3am, minsan di sakto pero mga ganung kasagsagan ng oras. And I also had 3 sleep paralysis pero ang pinaka tumatak sakin is, di ko alam kung anong exact date pero last week of Feb or first week ng March to nangyari.So bale, yung kama ko at kama ng ate ko ay magkadikit, sya yung nasa left side ko. Pagkakaalam ko, mga pasado ala una na ko nakatulog nun sa kaka fb. Then bigla akong nagising. yung feeling na para akong nakalubog. tapos biglang may nag appear ng demonyo na nakaupo sa tiyan ko. Sinasampal nya ako using his right hand while yung left hand nya ay nasa leeg ko, As in hirap akong makahinga. Humihingi ako ng tulong pero walang lumalabas na salita. Tapos tumingin ako sa left side kung saan dun nakahiga ang ate ko, nakikita ko yung body nya na natutulog pero may isang girl na parang nagrerepresent as my ate tapos she tries to help me. Tinatanggal nya yung kamay yung demon pero pasampal na paghawi yung ginawa sa kanya nung demonyo. Tas yun, bigla nang nawala yung ""ate"" ko dun. Tas napatingin na ulit ako sa demon, sobrang galit sya, tas pumikit na ko. As in sabi ko, ""Lord God, please help me."" Paulit ulit. Hanggang maya maya, biglang parang lumubog ako sa kama at nahulog din ako sa kama ko. Paulit ulit, mga walang beses na ganun na mabilis na parang ang pakiramdam ko ay nalulunod ako.
Pagkatapos nun nagising ako. Tinignan ko yung cp ko at nakita kong around 3:15 ang time. Tas tumingin ako sa kaliwa, mahimbing at humihilik pa din ang ate ko. Pumikit nalang ako at nagdasal. Trinay kong kalimutan ang nangyari para makatulog ulit.
After nun, sobrang pinagdadasal ko lagi na bago ako matulog na sana di ko na maexperience yung mga ganung klaseng panaginip and fortunately, di naman na sya naulit."
cc
Pasig
![](https://img.wattpad.com/cover/91283270-288-k513082.jpg)