Weird Children's Book

1.5K 16 0
                                        


Hello guys. Medyo maikli lang naman ito so yeah.

Nung Sunday lang, naglilinis ako ng kwarto ko at syempre nakakahagilap ako ng mga gamit ko noong bata pa ako o di kaya'y nakakakita na lamang ng mga nawawala kong gamit noon. Then nung nilinis ko yung ilalim na parte ng bookshelf ko, may bigla akong nakitang libro na super weird lang kasi never naman ako nakakita ng ganun at wala naman akong natatandaan na may ganoon akong natago. Tapos yung itsura nung libro ay luma na, medyo gusot-gusot at punit yung ibang mga pahina tsaka yung tipong nagbabrown na dahil sa kalumaan, ganon yung nakita ko.

Edi syempre nacurious ako since I'm a bookworm, kaso sh*t lang. Nung pagkabasa ko mygad yung mga nakasulat doon ay mga pangalan ng iba't ibang creatures na natatagpuan dito sa mundo natin (halimbawa ay mambabarang, berberoka, wakwak, ikugan, kapre at nuno sa punso). At naroon lahat ng infos ng bawat halimaw tapos ang nakakash*t lang ay nakatala ito from A-Z, lahat ng pangalan ng mga halimaw ay naroon at yung iba ay 'di ko pa alam tapos yung itsura nya pambata!? Like, ang colorful nung libro tapos may mga pictures/illustrations pa doon at mga maiikling tula na parang kabigha-bighani sa mga bata.

Nacurious ako kaya binasa ko ito kahit na natatakot na ako, basta nakalagay roon lahat ng mga info tungkol sa bawat isa. Nakatala rin doon kung anong klaseng nilalang iyon (kung bampiro ba, bruha, demonyo, dragon, duwende, higante, multo, ogro, taong-dagat, taong halimaw at kung ano pa, nakalimutan ko na), kung ano ang itsura, kung saan matatagpuan at kung paano ito patayin. 'Di ko na natapos basahin kasi nakatulog ako. At pagkagising ko na lang, wala na ang libro sa tabi ko.

Tinanong ko pa nga sa mga kasama ko dito sa bahay kung may nakita silang ganung libro at kung kinuha nila ito kaso wala naman raw silang napansin/alam. Bigla na lang ako napaisip kung paano iyon napunta sa kwarto ko.. at kung sino ang gumawa noon. Weird.

pnb

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon