BUGKOT

968 15 0
                                        


Hello spookify/spookifiers 👋👋 I just wanna tell you my story about BUGKOT(A waray term about being spirited away o yung dinadala ng mga taga ibang dimension yung body mo then pinapalitan nila ng katawan ng puno ng saging etc.)

This happened nung January 2015 sa kuya ko (Not exactly my brother and we don't have any blood connection pero parang kuya na rin namen sya. Ever since bata pa sya, parang samin na rin sya tumira). Mabait si kuya Arnel and very protective sya samin. Bumukod lang sya samin nung makapag asawa na sya pero di naman na severed yung connection namen kasi malapit lang yung bahay nila saka yung wife nya eh naglalabada samin. Nagkaroon sila ng 3 na anak. Nakita ni mama na nahihirapan si kuya kasi wala naman syang permanent na work. So sabi ni mama mamasukan na lang samin yung wife nya as kasama sa bahay then tumira na lang sila sa bakanteng kubo sa likod namen. Nag agree naman sila so okay na. Mahilig maghunt si kuya tuwing gabi ng mga wild animals (Birds, bayawak at alamid). PANGANGANOP ang term samin nyan. Sinasaway sya palage ni mama kasi daw baka magalit kung SINO mang may ari nung mga nahuhuli nya saka di naman daw sila nagugutom dahil palagi namang may ulam. Magsmile lang si kuya sabay kamot sa ulo.😁

Then isang gabi nagpaalam si kuya na maghunting daw sila kasama yung dalawang bata na dito samin nakatira. Sinaway sya ni mama pero ngumiti lang si kuya. Nagregister samin yung ngiti nyang yun kasi parang kakaiba. Di namin maexplain. Bandang 10-11 na ata sila nakauwi nun tapos sabi ni kuya marami daw silang huli. Sabi ko bukas na lang namen titignan kasi gabi na so dumiretso na sya sa likod kasi dun nga sila nakatira at kame naman natulog na. Mga bandang 5 am naalimpungatan ako kasi nagkakagulo sila sa likod then naririnig ko yung iyak ni me ann (Asawa n kuya). Narinig kong kumakatok si mama sa pinto ng kwarto ko then pagbukas ko nagtanong ako about sa commotion. Sabi ni mama patay na daw si kuya! Nawindang ako kasi di naman talaga kapani paniwala kasi wala naman syang sakit at ang lakas lakas nya pa nung gabi. Tinanong ko kay mama kung ano ang cause ng death then sabi ni mama di daw nila alam.

Saktong pagtapak daw ng asawa ni kuya sa ikalawang baitang ng hagdan nila eh sumigaw daw ng malakas si kuya. Patakbong bumalik yung asawa nya and yun nakita nyang patay na nga si kuya 😔 Nung gabi daw kwento ni me ann, di daw mapakali si kuya at parang balisa tapos may sinisilip sa butas ng dingding nila na para bang may inaabangan. Nung makita namen yung mga nahuli nya nahindik kame kasi andami tapos puro black (Ibon, bayawak, alamid, pagong saka uwang). Yung pagong imbis na magtago eh para bagang nagpapasikat pa. Yung ibon may tama sa mukha and believe it or not dun sa parte ding yun may parang dugo sa face ni kuya. May lumalabas sa ilong nya na parang lumot. Sabi nung albularyo binugkot daw si kuya kasi nagalit daw yung may ari sa mga hayop na nahuli nya. Kasi alaga daw nya yun and di daw nagpaalam si kuya.

Ginawa namin is isinauli namen sila sa place kung saan sila nahuli. Sabi pa ng albularyo di na daw si kuya yun and puno na lang daw ng saging yung dapat sana ay katawan ni kuya. Nung pinaglalamayan na si kuya eh bigla na lang bumalikwas yung isang bata na kasama nyang naghunt tapos sumisigaw sya kasi napanaginipan nya daw kung paano pinatay si kuya ng dalawang malalaking tao. Pagbaba daw ni me ann hinataw daw si kuya sa may ulo then nilunod sa ilog (That explains the lumot). Tapos may isang taga dito samin na nagkwento na nakita nya daw si kuya na may dalang malalaking isda. Nakipag usap pa nga sa kanya without the slightest knowledge na patay na nga si kuya. Nung ililibing na si kuya di mabuhat buhat yung kabaong nya kasi sobrang bigat. Tapos may tumatagas na tubig (We don't have any explanation for that).

Madalas syang magparamdam pagkatapos nyang malibing, through dreams minsan. Madalas pinupukpok nya ng malakas yung mesa nila sa likod (Sa bahay na kasi natutulog yung asawa't mga anak nya), baka hinahanap nya. Dumadalaw sya minsan sa mga dreams nung mga ibang kakilala nya telling them na he's alive daw and di nya daw katawan yung inilibing. After a month nanaginip yung asawa nya na dinalaw daw sya ni kuya at may kasamang babae. Yun daw ang asawa nya sa ibang dimension. Minsan daw nananaginip sya na ginagalaw sya ni kuya at parang totoo daw kasi nararamdaman nya (Creepy 😱).

Pagkalipas ng 1 week namatay din yung bestfriend ni kuya. Bugkot din daw kasi before sya mamatay he keeps on telling his wife na nakakakita daw sya ng magagandang babae na makinang na nakasakay sa kabayo. And there's a crow na palaging tumatambay sa farm nila at parang nag oobserve sa kanya.
As for now di na masyadong nagpaparamdam si kuya pero dumadalaw pa rin sya sa dreams ng mga kakilala nya. And we can still feel his presence pero di na kame ganun katakot coz we know that he's looking after us.

Tinay@27

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon